Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Dobol B sa News TV now airs Mondays to Sundays

Kamakailan lamang at sinimulan na ang Dobol B sa News TV ng GMA 7 na araw-araw mapapakinggan mula 6 a.m. hanggang 12 noon na pangungunahan ng mga batikang broadcasters ng DZBB, magsisimula kay veteran anchorman Melo del Prado na magbabalita ng pinaka-bagong news sa umaga (Melo Del Prado sa Super Radyo @6am) na susundan naman nina Mike Enriquez at Joel Reyes Zobel (Super Balita sa Umaga Nationwide @7am). At magpapatuloy si Mike sa pagbibigay ng public information ukol sa iba’t ibang issues at hand through interview kasama ang ilang key personalities (Saksi sa Dobol B @ 8 am) na susundan muli ni Joel mula 9 am hanggang 9:30am para sa “Anong Say N’yo”?

Pagdating ng 9:30am ay papasok sa ere sina Arnold Clavio kasama si Ali Sotto upang pasayahin ang radio listeners at viewers sa kanilang juicy news at blind items sa Dobol A Sa Dobol B. At para sa final slot na 11am ay si Susan Enriquez naman ang uupo upang magbigay ng iba’t ibang talakayin sa Kay Susan Tayo! Sa Radyo.

At pagdating ng Sabado hanggang Linggo ay sasalang naman ang ilan pa sa batikang radyodista ng DZBB sina Melo del Prado, Sam Nielsen at Rowena Salvacion, ang Kapuso resident meteorologist Nathaniel ‘Mang Tani’ Cruz para sa ulat panahon, si Connie Sison para sa Pinoy M.D. sa Dobol B, at Orly Trinidad tuwing linggo. Tuluy-tuloy ang paghahatid ng balita at kasiyahan ng DZBB hindi lamang sa radyo kundi maging sa telebisyon.

Ang GMA News TV ay mapapanood sa GMA News TV international para sa ating mga mamamayan na naninirahan sa abroad.