Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Almondigas

Ang lutuing ito ay maaaring nag-originate mula sa Spain na tinatawag nilang Abondigas na ang basic na laman ay meatballs at gulay sa soup. Dahil sa ang Pilipinas ay nasakop ng Espanya, maaaring in-update na lamang ng Pinoy ang paraan ng pagluluto pero nandun pa rin ang Spain touch.

Sangkap:

  • 150 g misua noodles
  • 15-18 pcs pan fried pork at beef meatballs
  • 1 patola, balatan at hiwain
  • 1 katamtamang laki ng sibuyas na pula, hiwain
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 8 tasang chicken stock
  • mantika
  • patis
  • asin
  • paminta

Paraan:

1.  Sa kaserola, igisa ang bawang at sibuyas.
2.  Ilagay ang pork at beef meatballs, ilagay ang chicken stock at pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 15 minuto.
3.  Ihalo ang patola at ituloy ang pagpapakulo sa loob ng 5 minuto.
4.  Ilagay ang misua at pakuluin sa loob ng 2 minuto.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net