Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Aicelle Santos, ibinahagi ang magagandang nangyari sa kanyang buhay nang sumali sa ‘Rak of Aegis’

(courtesy of GMA showbiz news)

Pagkatapos ng stint ni Aicelle Santos sa Miss Saigon sa kanyang pagganap bilang Gigi Van Trahn ay muling nagbabalik si Aicelle para sa Rak of Aegis na mapapanood sa PETA Theater.

Sa kanyang pagbabalik sa longest-running Pinoy musical, ay ibinahagi ni Aicelle na maraming magagandang bagay ang nangyari sa kanyang buhay. Ang kanyang pagganap bilang Aileen ang nagsilbing simula sa blessings sa kanyang theater career.

Marami pong nangyari dito sa Rak of Aegis. Dumami po ang trabaho ko hanggang sa nakarating po ako sa ibang bansa.

Dagdag pa ni Aicelle, ang bagay na babalik-balikan niya sa Rak of Aegis ay ang magandang samahan ng kanilang grupo.

It sparks joy dahil isa po kaming malaki at masarap na magmahal na pamilya. Tuwing pupunta kami rito sa teatro, sa likod man o sa harap, iba ‘yung pakiramdam. Nakakalimutan mo ‘yung problema mo dahil ‘pag nakita mo ang bawat isa, ang saya-saya lang.

Aicelle Santos returns to ‘Rak of Aegis’ fresh from ‘Miss Saigon’ global tour

Ibinahagi rin ni Aicelle na ang mga cast ay nag-improve ang talento dahil na rin sa kanilang pagsasanay na ginagawa sa Rak of Aegis.

Nag-evolve kami in terms of singing, in terms of acting, in terms of body.

Panoorin ang pagbabalik ng award-winning performer na si Aicelle sa Rak of Aegis simula ngayong July.