Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Digitally restored ‘Ipaglaban Mo The Movie,’ mapapanood sa KTX

Bibigyang-pugay muli ng Sagip Pelikula ang premyadong manunulat na si Ricky Lee sa pagpapalabas ng kanyang mga natatanging restored classic, kabilang ang digitally restored legal-drama film ng Star Cinema na “Kapag May Katwiran… Ipaglaban Mo The Movie” simula Marso 17 (Huwebes).

Ito ay bahagi ng online commemorative event nitong “Sagip Pelikula Spotlight: Ricky Lee on KTX.ph” bilang pagpupugay sa mga naging kontribusyon niya sa sineng Pilipino sa kanyang nalalapit na kaarawan ngayong buwan.

Nagpasalamat si Ricky sa Sagip Pelikula dahil sa kanilang natatanging kontribusyon sa sineng Pilipino. Aniya, dahil sa pagre-restore ng mga klasik na pelikula, buhay na buhay ang diwa, kasaysayan, at kultura ng mga Pilipino.

Sisimulan ng Sagip Pelikula ang Spotlight series sa pagpapalabas ng 1995 legal-drama film “Kapag May Katwiran… Ipaglaban Mo The Movie” na hango sa hit anthology series ng ABS-CBN na “Ipaglaban Mo” na pinangunahan ni Atty. Jose Sison noong ’90s.

Ipinagdiwang ng ABS-CBN Film Restoration ang ika-10 taon nito ng pagsagip ng mga natatanging pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng proyekto nitong Sagip Pelikula. Tumanggap na ito ng ilang award tulad ng Gold Quill award mula sa International Association of Business Communicators (IABC), Gawad Pedro Bucaneg mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), at kamakailan lang din ang Gawad PASADO sa Pagsisinop ng mga De Kalibreng Pelikula mula sa katatapos lang na 23rd Gawad PASADO ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *