Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

5% Bawas sa Pondo para sa Pamilyang Pilipino

Dahil sa lumalalang sitwasyon sa pagitan ng Russia at Ukraine,  buong mundo ay apektado sa pagtaas ng lahat ng bagay, mula sa langis, gasoline, taas ng bilihin.  Ang Pilipinas ay dumaranas ng hirap dahil ang mga bilihin ay sabay sabay na tumaas kaya naman ang pamahalaan ay nagiisip muli na magbigay ng ayuda sa bawat pamilyang Pilipino upang makaagapay sa lahat ng gastusin.

Nagmungkahi din si dating House Speaker, Alan Peter Cayetano, na bawasan ng 5% ang pondo ng bawat ahensiya ng gobyerno upang ilagay sa pondo para sa mga mamamayan na bibigyan ng ayuda.  Ang target na pondo ay P250 billion at plano nilang magbigay ng tig-P10,000 ayuda sa bawat pamilya at ang matitirang P50 billion na pondo ay gagawing stand by fund para sa kung anumang susunod na plano ng gobyerno.