Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

‘Pagbigyan si Sereno’

Naglabas na ng pahayag si Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Secretary Ricky Carandang ukol sa pambabatikos kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Aniya, ang pagkawala ng pitong mahistrado sa flag-raising ceremony ay hindi matatawag na ‘snub’ sa desisyon ng Pangulo na iluklok si Sereno. Dagdag pa niya, dapat pagbigyan muna ng pagkakataon si Sereno na gawin ang kanyang tungkulin bago siya ulanin ng batikos lalo pa’t maraming positibong pahayag sa kanyang appointment mula sa iba’t ibang sektor. Sa pagtatapos ng panayam ay tila hinamon ni Carandang ang mga mahistrado na tanggapin ang appointment dahil ang kanilang aksyon ay nagpapatagal sa mga repormang dapat ayusin ng hudikatura. (Philippine Star)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *