Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Filipino Cheese Bread

Sangkap:

Dough

  • 3 1/2 tasa ng  high grade flour

  • 1/2 tasang potato flakes

  • 1 kutsarang active dry yeast

  • 1/4 tasang warm water

  • 1/2 tasang butter, tunawin

  • 1 tasang gatas

  • 3/4 tasang asukal + 1 kutsarang asukal

  • 1/2 kutsaritang asin

  • 1 itlog

Cheese Coating

  • 2 tasang kinudkod na cheddar cheese

  • 1 tasang powdered milk

  • 1/2 tasang all-purpose flour

  • 1 1/4 tasang powdered sugar

  • 1/4 tasang butter, hiwain sa maliit na cubes sa room temperature


Paraan:

  1. Pagsamahin sa isang bowl ang active dry yeast, maligamgam na tubig at asukal.  Haluib at ilagay sa isang medyo mainit na lokasyon sa kusina at itabi sa loob ng 10 minuto.

  2. Sa isa pang mixing bowl, ilagay ang butter, gatas, itlog at  3/4 tasang asukal at asin, i-whisk hanggang maghalo ang mga sangkap. Ihalo ang  yeast mixture.

  3. Unti-unti at ilagay ang flour at  potato flakes, kung gagamit ng stand mixer, gamitin ang kneading hook at i-knead sa loob ng 10 minuto.  Kung kamay ang gagamitin, i-knead ito gamit ang kamay sa loob ng 10 minuto.

  4. Ilagay ang dough sa isang non-stick o greased bowl at takpan ng damp cloth para umalsa ang dough sa loob ng 1 oras o kung mag-double ang size ng dough.

  5. Ihanda ang  cheese coating, sa isang malaking bowl ilagay ang lahat ng cheese coating na sangkap at haluin gamit ang spatula. Itabi.

  6. Kuhanin ang dough at hatiin sa tatlong equal portion. I-rolyo pahaba at hatiin sa 7 hanggang 10 piraso ( kung gustong mas malaki ang bawat piraso ay gawin 7 ang hati at kung maliit naman ay 10. I-roll ang bawat piraso para makapag-form ng ball at i-coat ito sa cheese coating mixture.

  7. Ilagay ang bawat piraso sa isang baking tray na may baking paper.

  8. Iwan ang baking tray sa isang medyo mainit na pwesto ng kusina sa loob ng 30 minuto para umalsa pa ang dough.

  9. I-bake sa preheated ( 150C )  oven  sa loob ng 15 minuto o hanggang mag-golden brown ang kulay ng tinapay.

Recipe and photo credits: www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *