Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Batso nga Tabungao

Ang Batso nga Tabungao ay isang Ilocano dish na ang sangkap ay gulay na ginisa sa bawang, sibuyas, kamatis at annatto.  Ito ay may pagkakahawig sa ginisang upo pero imbes na pork o baboy ay maliit na hipon ang gamit dito na may sangkap ding annatto seeds na nagbibigay ng unique color at flavor.  Ito ay masarap kainin kasama ang mainit na kanin at iba pang ulam na fried o inihaw na ulam. 

Sangkap:
  • 1 maliit na upo, hiwaing pakuwadrado
  • 250 g maliit na hipon, alisin ang balat at ulo (itabi ang balat at ulo)
  • 2 katamtamang laki ng kamatis, tadtarin
  • 1 kutsaritang annatto powder, kanawin sa 2 kutsarang tubig
  • 6 piraso ng bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
  • 1 sibuyas, tadtarin 
  • 2 tasang tubig 
  • patis
  • paminta
  • mantika
Paraan:

1.  Sa isang pan, ilagay ang mantika at ilagay ang balat at ulo ng hipon at tustahin.  Kapag natusta na ay ilagay ang 2 tasang tubig at pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto.  Palamigin.
2.  Ilagay sa food processor (pulse) ng ilang segundo. (huwag i-chop)
3.  Gamit ang slotted spoon, pitpitin ang balat para ma-extract ang juice, itabi ang juice.
4.  Sa parehong pan, maglagay ulit ng mantika at igisa ang bawang at sibuyas sa loob ng 2 minuto sa mahinang apoy.
5.  Idagdag ang kamatis at ituloy ang paggisa hanggang ang kamatis ay lumambot.
6.  Lakasan ulit ang apoy at ilagay ang upo at haluin. Ilagay ang sabaw ng hipon kasama ang kinanaw na annatto powder.  Pakuluin na walang takip sa loob ng 5 minuto.
7.  Ilagay ang hipon at pakuluin sa loob ng 2 minuto pa.
8.  Lasahan ng patis at paminta at patayin ang apoy. Ihain habang mainit.