Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF AUGUST 2016

Aries (March 21-April 19)

LOVE: **

LUCK: ***

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Tuesday

HI-VIBE DAY: Sunday

LUCKY COLOR: Red

LUCKY NOS: 6, 17, 27, 36, 39, 45

Kung pwede, gawin mo ang mga trabaho na mag-isa ka lang. Iwasan ang magpatulong sa buwan na ito dahil baka isumbat sa iyo pagdating ng araw. Mahirap magkaroon ng utang na loob sa tao na naghihintay ng kapalit. Kayahin mong mag-isa muna.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: ***

LUCK: **

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Wednesday

HI-VIBE DAY: Saturday

LUCKY COLOR: Purple

LUCKY NOS: 7, 9, 18, 36, 45, 49

Madali kang maawa sa mga humihingi ng tulong sa iyo. Pero, may hangganan dapat ang mabuting pakikisama mo. Kung palagay mo ay umaabuso na at may kutob kang nagpapaawa lang sa iyo, lumayo ka. Wala kang mahihita. Baka ikaw pa ang mapasama.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: ***

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Friday

HI-VIBE DAY: Monday

LUCKY COLOR: White

LUCKY NOS: 5, 17, 22, 35, 40, 48

Magulo ang usapan ninyong dalawa kaya linawin mo muna bago ka pumasok sa kasunduan. Nililito ka kaya iwasan mo ang pumirma sa kontrata o magbigay ng pera. Dalhin mo sa abogado kung may duda ka. Pakinggan mo ang iyong kutob sa pagkakataong ito.

Cancer (June 22-July 22)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Thursday

HI-VIBE DAY: Sunday

LUCKY COLOR: Lilac Pink

LUCKY NOS: 27, 35, 45, 58

Nagsasawa ka na sa ginagawa mo. Parang lagi na lang palabas at walang pakabig. Huwag kang mag-alala, hangga’t nasa katwiran ka, ikaw pa rin ang magwawagi. Masaya ang buwan para sa iyo at pamilya mo. Mas importante ang tahimik ang kalooban mo.

Leo (July 23-August 22)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Tuesday

HI-VIBE DAY: Saturday

LUCKY COLOR: Cyan Blue

LUCKY NOS: 37, 21, 43, 51

Hindi dapat hanapin ang kaligayahan sa mga bagay na materyal. Mag-ipon lang ng sapat para sa kinabukasan. Sa pag-ibig, higit na payapa ang isipan ng may simple at sama-samang pamilya kaysa sa ubod ng yaman na hindi naman sama-sama ang pamilya.

Virgo (August 23-September 22)

LOVE: **

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Monday

HI-VIBE DAY: Thrusday

LUCKY COLOR: Lavender

LUCKY NOS: 39, 44, 28, 17

Dumarating sa buhay ng tao ang kalungkutan. Subalit may paraan para mawala ito at maibalik ang ating normal na pakiramdam. Kung napapansin mo na madalas kang malungkot kahit walang matinding dahilan, at napapansin din ng pamilya mo, kumonsulta sa doktor.

Libra (September 23-October 23)

LOVE: **

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Wednesday

HI-VIBE DAY: Saturday

LUCKY COLOR: Magenta Red

LUCKY NOS: 3, 12, 26, 33, 39, 45

Tapos na ang pagtanggi mo na may nararamdaman kang hindi maganda sa katawan mo. Kung lagi kang pagod kahit bagong gising, may problema ka. Alalahanin mong may mga mahal ka sa buhay at kailangan ka pa nila. Asikasuhin ang kalusugan habang maaga pa.

Scorpio (October 24-November 21)

LOVE: **

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Saturday

HI-VIBE DAY: Tuesday

LUCKY COLOR: Green

LUCKY NOS: 7, 9, 22, 34, 43, 49

Hindi ka superhero na laging may solusyon sa problema ng iba. Hindi ka rin pilantropo na laging magbibigay ng kabuhayan sa nangangailangan. Ano ba ang gusto mo sa buhay mo? Masaya ka ba kung lagi na lang may umaasa sa iyo. Hindi yata maganda iyon.

Sagittarius (November 22-December 21)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Thursday

HI-VIBE DAY: Monday

LUCKY COLOR: Blue

LUCKY NOS: 1, 9, 29, 32, 37, 46

Maaliwalas ang langit ng iyong kinabukasan kung pakakawalan mo na ang mga maiitim na ulap ng galit at sama ng loob. Maghimutok ka at ubusin mo na ang galit na nakatago sa puso mo. Ikaw na lang ang galit, nag-move on na sila. Ikaw ang nagdurusa dahil na rin sa iyo.

Capricorn (December 22-January 19)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Friday

HI-VIBE DAY: Thursday

LUCKY COLOR: Orange

LUCKY NOS: 4, 17, 26, 32, 38, 49

Basta nasa tama ka, wala kang dapat ikatakot. Anuman ang sabihin nila, magpakatatag ka dahil sa bandang huli, lalabas ang katotohanan. Hayaan mo lang. Maganda ang buwan para sa iyo. Gawin mo ang dapat mong gawin. Mag-ingat sa mga tsismis.

Aquarius (January 20-February 18)

LOVE: ***

LUCK: **

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Saturday

HI-VIBE DAY: Wednesday

LUCKY COLOR: Violet

LUCKY NOS: 1, 16, 25, 33, 38, 49

May pagkakataon sa buhay na inis na inis ka na dahil hindi nangyayari ang mga plano mo. Habaan mo pa ang pasensya. Kung para sa iyo ang isang bagay, wala kang masasalubong na problema sa paggawa noon. Bigyan pansin ang puso at mga tuhod.

Pisces (February 19-March 20)

LOVE: ***

LUCK: **

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Tuesday

HI-VIBE DAY: Saturday

LUCKY COLOR: Blue

LUCKY NOS: 5, 6, 27, 32 41, 47

Marami kang plano para sa buwan na ito. Naka-ready na ang lahat. Bago ang lahat, siguraduhin mong ang mga kasama mo ay malulusog at walang dinaramdam na sakit. Baka kapag nandoon na kayo ay maging problema pa ito. Mabuti ang nag-iingat sa umpisa.