Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Christopher de Leon banners Wish Ko Lang!’s special 19th anniversary episode

Headliner ng special 19th anniversary episode ng Wish Ko Lang ay ang award-winning actor na si Christopher de Leon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap na gay si Christopher. Ang kanilang episode na “Mr. Right” , ginagampanan ni Christopher ang role bilang si Jake, isang very talented gown designer na may ari ng isang maliit na boutique. SImple lang ang kanyang buhay kasama ang kanyang kaibigang si Georgie (THou Reyes) at kuntento na sila sa buhay. Paminsa-minsa ay sumasali sa mga pageants kung saan siya ang nag-design ng mga outfits ng mga male at female contestants hanggang sa makilala niya si Romeo (ginagampanan ni Shido Roxas) sa isa sa mga contest na kanyang sinalihan at eventually, siya ay na-in love ng husto. Nagtagal man ng 5 taon ang kanilang relasyon ay hindi inaasahan ni Jake na magkakaroon ng pagbabago sa kanilang samahan.

Abangan ang special episode na ito ng Wish Ko Lang. Sa loob ng halos dalawang dekada ay naantig na ng naturang programa ang buhay ng mga Pinoy at malaki ang pasasalamat ni GMA News pillar, Vicky Morales dahil sa patuloy na pagsuporta ng publiko sa kanyang programa.
“I’m very grateful to our viewers. We wouldn’t be around this long kung hindi dahil sa kanila, kung hindi dahil sa paniniwala nila na mahal nila ang program natin as much as we love our program also. Kaya thank you very much sa mga viewer natin. Thank you also sa lahat ng staff ng Wish Ko Lang [at sa] GMA for believing in the program,” paglalahad ni Vicky.