Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Well-loved comedian-actress Pokwang joins the Kapuso family

Bukod kay Bea Alonzo ay kasama si Pokwang na nag-ober da bakod mula sa ABS CBN papuntang GMA Network. Buong puso siyang ni-welcome ng mga Kapuso bigwigs at masayang-masaya sila dahil ngayong certified Kapuso na si Pokwang ay siguradong maraming proyekto ang naghihintay para sa kanya. Ngayon pa lamang ay marami na ang humihirit na pagsamahin sina Pokwang, Ai Ai delas Alas at Eugene Domingo sa isang teleserye na Sitcom at siguradong riot ang kalalabasan ng teleserye dahil mahusay umarte ang mga ito.

Present sa virtual ceremony ay ang Executive Vice President at Chief Financial Officer na si Felipe S. Yalong, Senior Vice President for GMA Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, First Vice President for Drama Redgie A. Magno, First Vice President for Business Development Department III Darling De Jesus-Bogedon, First Vice President and Head of GMA Regional TV and Synergy Oliver B. Amoroso, Vice President for Corporate Affairs and Communications Angel Javier Cruz, Vice President for Comedy, Infotainment, Game & Reality Productions Janine P. Nacar, Senior Assistant Vice President for Drama Cheryl-Ching Sy, Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, Assistant Vice President for Comedy, Infotainment, Game & , GMA Artist Center Assistant Vice President and Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer, Senior Program Manager Enri Calaycay, at GMA Artist Center Senior Talent Manager Daryl Zamora.

Kilala si Pokwang bilang isang versatile na actress na nakita naman sa iba’t ibang tv programs at pelikula na kanyang ginawa sa loob ng kung ilang taon niya sa ABS CBN.

“Marami pa akong gustong gawin as an artist, as a host, marami pa akong gustong i-share na experience ko sa pamamagitan ng mga programa para sa mga manonood. Gusto kong ituloy-tuloy kung ano pa ang gusto kong gawin bilang artista. Malaki ang pasasalamat ko kasi siyempre nagbukas ng pintuan sa akin ang GMA.”

Kasama sa mahabang listahan ng mga Kapuso artists na gustong makatrabaho ni Pokwang ay sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Barbie Forteza, Ai Ai delas Alas, Maine Mendoza at Dennis Trillo.
Ngayon ay nasa bagong chapter na siya ng kanyang showbiz career, “Mas lively, mas masaya, para akong isang apoy na pansamantalang pinigil pero ngayon pasabog na, masaya, magaan lang, mas maibibigay ko ang comedic side ko. Dito sa GMA, nakikita kong back ako sa kung saan ako nalilinya talaga, which is comedy. Masaya lang talaga!”

Sa kasalukuyan ay naghahanda si Pokwang sa kanyang role sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento at makikita rin siya sa iba’t ibang GMA programs bilang bahagi ng kanyang contract bilang Kapuso artist.

Ngayong magkakasama na sa iisang network sina Pokwang, AiAi delas Alas at Eugene Domingo, siguradong maraming mapapanood ang may aabangan nang comedy shows in the future.