Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Chocolate Cheesecake

Sangkap
  • 1 1/2 tasa chocolate cookie crumbs
  • 2 kutsara white sugar
  • 1/4 tasa butter, tinunaw
  • 1/4 tasa semi-sweet chocolate chips
  • 1/4 tasa heavy whipping cream
  • 8-ounce cream cheese, pinalambot
  • 1 tasa white sugar
  • 1/3 tasa unsweetened cocoa powder
  • 3 itlog
  • 1 kutsarita vanilla extract
  • 1 1/2 tasa semi-sweet chocolate chips
  • 1/4 tasa heavy whipping cream
  • 1 kutsarita vanilla extract
Paraan
  1. I-preheat ang oven sa 350 degrees F.
  2. I-grease ang isang 9-inch spring form pan.
  3. Sa isang bowl, paghaluin ang 1 1/2 cups chocolate wafer crumbs, 2 kutsarang asukal at tinunaw na butter, at ilagay sa pan.
  4. I-bake sa 350 degrees F sa loob ng 10 minuto.
  5. Hayaang lumamig.
  6. I-reduce ang oven temperature sa 325 degrees F.

Filling

  1. Sa isang saucepan, initin ang 1/4 cup whipping cream at 1/4 cup chocolate chips.
  2. Haluin nang madalas hanggang ang chocolate chips ay matunaw at pagkatapos ay tanggalin sa init.
  3. Sa isang mixing bowl, batihin ang cream cheese, 1 cup asukal at ang cocoa.
  4. Ihalo ang itlog at batihin hanggang sa ang ingredients ay humalo ng maigi.
  5. Ilagay ang 1 kutsarita vanilla at reserved chocolate mixture hanggang magkahalong maigi.
  6. Ibuhos ito sa crust. I-bake sa 325 degrees sa loob ng 45-50 minuto o hanggang ang gitna ay maayos na.

Topping

  1. Sa isang sauce pan, initin ang 1/4 cup whipping cream at 1 kutsarita vanilla hanggang sa bago ito kumulo.
  2. Haluin maigi at huwag hayaang umapaw habang kumukulo.
  3. I-ready ang 1 1/2 cups chocolate chips sa bowl.
  4. Ibuhos ito sa hot cream at haluin ng kutsara hanggang ito ay maging smooth.
  5. I-spread ito sa cheesecake at ilagay sa ref.

Tip: Mas masarap kainin ang inihanda kung ito ay papalamigin sa ref overnight.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net

Comments are closed.