Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Ampalaya Con Carne

Ang ampalaya ay isang uri ng gulay na kadalasan  ay kinu-cultivate kahit na mas nakikita ang wild form nito. Ito ay lumalago sa remote area ng Mt. Banahaw. Kung tawagin ito sa wikang Ingles ay bitter melon, at may mapait na lasa dahil sa taglay nitong momorcidin. Ayon sa mga pagsusuri, ang ampalaya o momordica charantia ay nakakagaling ng diabetes. Ito ay nakakapagpataas ng produksiyon ng beta cell sa pancreas na nakakapag-improve ng abilidad ng katawan na mag-produce ng sariling insulin. Ito ay inirerekomenda ng Department of Health bilang isa sa pinakamahusay na herbal medicine dahil sa abilidad nitong makatulong sa may problema sa liver, diabetes at HIV.

Sangkap
  • 1 kutsara vegetable oil
  • 3 cloves garlic, hiniwang maliliit
  • 1/4 kilo beef, hiniwang pahaba
  • 1 ampalaya, hiniwang maninipis
  • 1 can tausi, drained
  • ½ cup tubig
  • 1 kamatis, diced
  • 1 tokwa, hiniwa at i-prinito
  • asin at paminta, panlasa
Paraan
  • Igisa ang bawang sa mantika.
  • Ilagay ang beef at lutuin hanggang maging brown ito at lumambot.
  • Ihalo ang ampalaya, kamatis at tausi.
  • Ilagay ang tubig.
  • Lagyan ng lasa sa pamamagitan ng asin at paminta.
  • Hayaang kumulo ng 20 minuto hanggang ang tubig ay mabawasan hanggang sa kalahati.
  • Ihalo ang pritong tokwa.
  • Ihain habang mainit.

Tip: Ilamukos ang asin sa amplaya at hayaang sipsipin ng asin ang pait nito saka hugasan.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net

Comments are closed.