Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Sakura, Hanami: Japan’s Spring Celebration

Hanami in Tokyo

Isang pangyayari na pinakaaabangan ng lahat. At isang tradisyon na taunang ipinagdiriwang at hinding-hindi pagsasawaan dahil sa kakaibang ganda na hatid nito; ang pamumukadkad ng sakura at ang masayang hanami.

* Photos by Rey Ian Corpuz

Ang sakura o cherry blossoms ay isa sa mga simbolo ng bansang Hapon. Dahil sa taglay nitong ganda, lubos itong hinahangaan sa kulturang Hapon at itinuturing na rin ng marami na pambansang bulaklak ng bansa. Bukod pa rito, iniuugnay din ang sakura sa samurai at bushi dahil ito ay nagsilbing motivating symbol para sa mga Hapones na nakipaglaban noong World War II. Ayon sa mga tala, ipinipinta ng mga Japanese pilots ang larawan ng sakura sa gilid ng kanilang mga eroplano bago sumugod sa giyera. Hanggang sa ngayon ay may mga militar pa rin at pulis na gumagawa nito bilang watawat at insignia.

Isa sa pinakahihintay ng mga lokal at dayuhang turista ang taunang forecast ng Japan Meteorological Agency sa kanilang pagsunod sa “sakura zensen” o Cherry Blossoms Front. Dito’y malalaman kung saang lugar na sa buong bansa namumulaklak ang sakura. Nagsisimula ang “mankai” o full bloom ng sakura, isang linggo matapos ang “kaika” o ang unang pamumukadkad nito (sa Tokyo ay unang makikita ito sa Yasukuni Shrine). Magtatagal ang pamumukadkad ng cherry blossoms ng hanggang sa sampung araw depende sa uri ng sakura at panahon.

Kapag namulaklak na ang sakura ay ginaganap na ang “hanami” o flower viewing party na nagsimula pa noong ikatlong siglo. Ito ay magandang pagkakataon para sa lahat na makapag-relax kasama ng pamilya at mga kaibigan. Karaniwan, sila ay sama-samang nagkakainan, nagkakantahan at nag-iinuman sa mga parke. Maganda rin masaksihan ang ganda ng sakura sa mga temples, castles at shrines.

May mga sakura rin na makikita sa China at Korea ngunit walang kasing ganda ang mga sakura na makikita sa Japan. Sa daan-daan na cherry trees na makikita sa bansa, ang pinaka-popular na uri ng sakura ay ang Somei Yoshino na halos puting-puti ang kulay at kadalasang matatagpuan sa Gojo River sa Iwakura. Nariyan din ang Yamazakura na slightly pink ang kulay at kadalasan ay sa mga bundok lamang makikita. Ang Ichiyo na kulay pink at may kasamang fresh green leaves. Ang ukon na may pagkadilaw ang kulay at ang Kikuzakura o Chrysanthemum Cherry na pinakabagong uri ng sakura.

Noong 1912, nagbigay ang Japan ng 3,000 sakura trees sa Amerika para ipagdiwang ang magandang relasyon ng dalawang bansa. Ito ay naulit pa taong 1956 nang magbigay muli ang Japan ng 3,800 cherry trees. Simula noon ay naging popular na tourist spot na ang Tidal Basin sa Washington D.C. na naging sentro ng taunang National Cherry Blossoms festival.

Narito ang ilang lugar sa buong Japan na magandang puntahan para sa isang natatanging sakura at hanami exper

*Hokkaido

  1. Matsumae Koen Park – Isa sa pinakamagandang lugar para masaksihan ang pamumulaklak ng cherry blossoms. Aabot sa 250 uri ng 10,000 sakura trees ang matatagpuan dito.
  2. Goryokaku Koen – Ito ay star-shaped fort na itinayo noong 1866. May higit sa 1,500 sakura trees ang makikita rito.
  3. Maruyama Park – Ang pamumulaklak ditto ay nagsisimula tuwing Abril hanggang Mayo. Para sa impormasyon, tumawag sa 011-621-0453.

*Tohoku

  1. Sendai Castle – Kilala sa tawag na Aoba-jo, ito ang simbolo ng Sendai City sa Miyagi. Aabot sa 480 sakura trees ang narito.
  2. Hirosaki Koen – Umaabot sa milyong turista ang nagtutungo rito. Higit sa 2,600 sakura trees ang makikita sa paligid ng Hirosaki Castle.
  3. Kitakami Tenshochi – May 10,000 sakura trees dito na magandang pagmasdan habang sakay ng mga carriages at pleasure boats sa may Kitakami River.

*Kanto

  1. Odawara Joshi Koen Park – May aabot sa 350 sakura trees dito kung saan napakagandang tingnan sa palibot ng Odawara Castle.
  2. Omiya Koen Park – Matatagpuan sa Saitama, may higit sa 1,200 sakura trees dito.
  3. Takasaki Kannon-yama Koen – Kung saan ang 41.8 m na estatwa ng Kannon ang simbolo ng Takasaki City. May 3,000 sakura trees dito.

*Chubu

  1. Takato Joshi Koen Park – Ito ang ruins ng Takato castle at matatagpuan sa Ina Valley, Nagano. May higit sa 1,500 sakura trees dito kung saan matatagpuan ang Takato-Higanzakura na kakaibang uri ng sakura tree.
  2. Nagoya Castle – Itinatag ni Tokugawa Ieyasu noong 1612. May halos 1,600 sakura trees dito.
  3. Enakyo Gorge – Kilala dahil sa magandang tanawin ng mga cliffs sa Kiso River. May higit sa 1,000 sakura trees dito na lalong ma-e-enjoy dahil sa mga pleasure boats.

*Kinki

  1. Himeji-jo Castle – May 1,000 sakura trees dito at isa sa pinakamaganda sa buong Japan.
  2. Nara Park – Aabot sa 1,700 sakura trees ang makikita rito.
  3. Hikone-jo Castle – Isa sa pinakamagandang castle sa Japan. Nasa 1,300 sakura trees ang nakapalibot dito.

*Chugoku

  1. Tsuyama Kakuzan Koen – Ito ang ruins ng Tsuyama Castle at kilala dahil sa mahahabang stone walls. Higit sa 5,000 sakura trees ang makikita rito.
  2. Utsubuki Koen – Magandang parke sa Tottori. Nasa 4,000 sakura trees ang makikita rito.
  3. Senkouji Koen – Matatagpuan sa bundok ng Senkojiyama at simbolo ng Onomichi City sa Hiroshima. Mainam para sa cherry blossoms viewing.

*Kyushu & Okinawa

  1. Kumamoto Castle – Itinayo 400 taon na ang nakalipas. May 800 sakura trees dito na napakagandang tingnan sa paligid ng castle.
  2. Nishi Koen – Matatagpuan sa burol ng Hakata Bay sa Fukuoka City. May 3,000 sakura trees dito.
  3. Ogi Koen – Simbolo ng Ogi City sa Saga. Kilala dahil sa magandang cherry blossoms.
  4. Oomura Koen – Isa sa bihirang uri ng cherry blossom ang makikita rito na itinuturing na national monument sa Japan.

*Kyoto

  1. Kiyomizudera Temple – May 1,000 sakura trees dito na matatagpuna sa Higashiyama City.
  2. Heian Jingu Shrine – Matatagpuan sa Sakyo-ku, may 250 sakura trees dito.
  3. Daigoji Temple – Nasa Fujimi, may 1,000 sakura trees na makikita rito.
  4. Arashiyama Park – May 5,500 sakura trees dito.

*Osaka

  1. Japan Mint Osaka Head Office – Nakalinya ang cherry blossoms lane dito. Ang event ay tinatawag na “zoheikyoku sakura no torinuke” at pinakapopular sa buong Osaka.
  2. Osakajo Nishinomaru Garden – Matatagpuan sa Osaka Castle Park kung saan mga 600 sakura trees ang makikita.
  3. Osaka Expo Park – May 5,500 sakura trees dito.
  4. Kema Sakuranomiya Koen – Matatagpuna sa Ookawa River ng Japan Mint Osaka kung saan may 4,700 cherry trees ang makikita.

Para naman sa mga kaibigan natin sa Tokyo, ilan sa maaari ninyong puntahan ay ang mga:

  1. Ueno Onshi Koen (03-3828-5644)
  2. Sumida Koen (03-5608-6951)
  3. Shinjuku Gyoen (03-3350-0151)
  4. Yasukuni Shrine (03-3261-8326)
  5. Shiba Koen Park (03-3431-4359)
  6. Rikugien Garden (03-3941-2222)
  7. Koishikawa Korakuen Garden (03-3811-3015).

Comments are closed.