Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Same sex marriage ayaw ng Kamara

Kung sa bansang Amerika ay inaprubahan ang bill para sa same sex marriage, sa bansang Pilipinas ay matabang ang pagtanggap dito.  Sa kamara pa lang ay tinututulan na ang anumang posibilidad sa pagpapatibay ng posibilidad na pagtibayin ang batas para sa pagpapakasal ng magkaparehong sex ( babae sa babae at lalake sa lalake). Nagpahayag mismo ng pagtutol si House Speaker Feliciano Belmonte dahil alam niyang hindi pa handa angbansa sa pagpapakasal ng magkaparehong kasarian.

Iginiit din niyang marapat lamang na panatilihin ang kasagraduhan ng kasal sa pagitan lamang ng babae at lalake. Magkagayunman, pinabulaanan nila ang bintang na sila ay anti-gays o lesbian dahil alam nilang marami sa mga ito ang malaking naitutulong sa iba’t ibang industriya at ito ay mga produktibo at dapat lang na bigyan ng respeto.