Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Go To Travel Campaign, Magbabalik sa Enero 2022

Napagdesisyunan ng Pamahalaang Japan ang muling pagpapatupad ng kanilang Go To Travel program para makatulong sa kanilang domestic tourism sa unang bahagi ng Enero 2022, depende sa makikitang progreso ng bakuna o medications na sa kasalukuyan ay nasa testing period na kontra sa Covid-19.

Ang pinakamalaking dagok sa industriya ng turismo sa Japan ay ang paglaganap ng virus hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo na sadyang nakaapekto sa lahat ng aspeto ng negosyo at pangkabuhayan.

Maraming eksperto ang tumutuklas ng gamot upang maiwasan ang pagkakaroon ng severe symptoms ng Covid-19.  Hinihintay ng bansang Japan na maaprubahan ang paggamit ng oral medications na ito sa huling quarter ng 2021.  Ang proof of vaccination, mga negative tests at iba’t-ibang  documents ang inaasahan hahanapin upang maumpishan ang uni-unting pagbabalik ng kampanya para sa pagbanagon ng domestic tourism at pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Sa kampanyang Go To Travel, parte ng gastusin ng mga biyahero ay sasagutin ng gobyerno. Naunang naipatupad ang programa noong Hulyo ng 2020 subalit pinahinto pansamantala dahil sa sumirit na naman ang kaso ng coronavirus sa bansa.

Nagpahayag ng kahandaan sa pagtulong ang pamahalaan sa pamamagitan ng masusing tests at pagbabakuna sa kani-kanilang nasasakupan upang makasiguro ng ligtas na pamayanan.

Umaasa rin ang gobyerno na ang kasalukyang oral medication na tinutuklas laban sa covid-19 ay dumaraan na ngayon sa mas masusing tests para maaprubahan at magamit sa darating na Enero 2022.

Sa kasalukuyan ay nagbabakuna na sila ng pangatlong dosage na tinatawag na booster shots para sa mga senior citizen sa unang bugso ng susunod na taon 2022.

Matatandaang ang mga travelers ay naka-focus noon sa malalaking hotels at ginagawa nila ang pagbiyahe sa weekend noong unang kampanya ng Go To Travel noong nakaraang taon. Kaya naman napag-desisyunan ng gobyerno na daragdagan nila ang perks para sa weekday trips at ang pag-stay sa mas maliit na hotel para makatulong sa small at medium sized hotels at inns.

Pag-apply sa Go To Travel Campaign

Matatandaang inilunsad ng pamahalaang Japan ang Go To Travel Campaign para hikayatin ang kanilang mamamayan na bumiyahe at bisitahin ang iba’t ibang lugar sa Japan mula July 22, 2020. Magandang oportunidad hindi lamang sa mga residente kundi maging sa mga international travelers.

Ano nga ba ang Go To Travel Campaign?

Ang Go To Travel Campaignay 4 na iba’t ibang klase ng kampanya na susuporta mg negosyo o industriya nalubhang naapektuhan ng pandemyang dulot ng Covid-19.  Ang mga industriya na ito ay ang sekta ng pagbibiyahe, pagkain, entertainment at iba pa.

At ang Go To Travel campaign ay isa sa pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno na magbibigay tulong sa mga negosyong apektado sa pamamagitan ng pagsagot ng kalahati ng domestic travel cost na hanggang 20,000 Yen bawat biyahero araw-araw ( hanggang 10,000 para sa day trip) sa pamamagitan ng pagbibigay ngperks o coupon na nagkakahalaga ng 15% ng cost ng biyahe at pagbibigay ng 35% discount naman sa travel package.

Ang kagandahan ng kampanyang ito ay walang limit sa kung ilang beses bibiyahe ang isang biyahero kaya maaarikang bumiyahe paulit-ulit sa half price sa panahon ng kampanya.

Kasalukuyang Sitwasyon ng Go To Travel Campaign 2021

Sinuspinde ang kampanya mula Marso ng 2021 subalit muling ibabalik ng pamahalaan dahil nag-umpisa na rin ang malaganap na pagbabakuna sa mga mamamayan. Kailangan din na magkaroon muna ng bakuna ang mga gusting bumiyahe at kailangan nila ng covid test bago pumunta sa lugar na gusto nilang puntahan.  Layon ng mga local na pamahalaan na mapangalagaan din ang kanilang nasasakupan kaya ang pagpapabakuna at ang negative covid test result ang kanilang ipinatutupad.

Sa kasalukuyan, mas maraming discounts para sa mga bibiyahe sa disaster area, malaking discount para sa bibiyahe ng weekdays imbes na weekends, kakailanganin ang vaccine certificate at negative test certificate para sa lugar na dadayuhin. Itutuloy ang Go To Travel campaign sa bago nitong pangalan, ang GoTo 2.0 at magbabago rin ang discount rate nila.