Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Taco Pao

Sangkap:

Filling

  • 400g pork loin, hiwaing pakwadrado
  • 2 kutsarang toyo
  • 2 kutsarang hoisin sauce
  • 2 kutsarang asukal na pula
  • 2 kutsarang cornstarch, tunawin sa 1/3 tasang tubig
  • 4 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
  • 1 kutsaritang Chinese five spice powder
  • 1 tasang tubig
  • mantika
  • asin
  • Pickled Radish
  • 2 tasang labanos
  • ½ luya na singlaki ng hinlalaki, hiwaing maninipis
  • ½ tasang puting suka
  • ½ tasang tubig
  • ¼ tasang puting asukal
  • asin
  • Taco Pao
  • hugis taco na steamed buns (bao/gwapao)
  • maninipis na hiwa ng repolyo
  • hiniwang siling pula
  • Mayonnaise
Paraan:

Filling:

  1. Sa isang pan, maglagay ng mantika. Igisa ang bawang at baboy, gisahin sa loob ng tatlong minuto.
  2. Lagyan ng tubig, toyo, asukal na pula at 5 spice powder.
  3. Pakuluin at hayaang kumulo sa mababang apoy sa loob ng dalawang oras o hanggang ang baboy ay lumambot. Haluin para maiwasang masunog. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.
  4. Kapag malambot na ang baboy ay idagdag ang hoisin sauce at ihalo ang cornstarch mixture para lumapot. Hayaang kumulo para mas lalong lumapot ang sauce.
  5. Lasahan ng asin. Patayin ang apoy at itabi.

Pickled Radish

  1. Paghaluin ang labanos at 1 kutsarang asin sa isang malaking mangkok. Itabi sa loob ng isang oras.
  2. Pagkatapos maibabad sa asin at hugasang mabuti sa tubig gawin ang colander.
  3. Ilagay ang labanos sa isang manipis na tela at pigain mabuti para matanggal ang natitirang tubig mula sa labanos.
  4. Sa mankok ay paghaluin ang luya at labanos.
  5. Ihalo ang suka, tubig, asukal at 1 kutsarita ng asin sa isang saucepan at pakuluin. Hayaang kumulo sa loob ng limang minuto at huwag haluin.
  6. Ilagay ang labanos mixture sa lalagyan at maglagay ng tubig sa mixture. Takpan ang lalagyan at ilagay sa ref. Para sa magandang resulta, gamitin ang pickled radish pagkalipas ng dalawang araw.

Taco Pao

  1. I-steam ang taco shaped na steamed buns na ayon sa pakete.
  2. Lagyan ng filling ang mga buns at ilagay ang manipis na hiwang repolyo, pickled radish at chillies at lagyan ng mayonnaise.