Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Nilat-an na Tiil ng Baboy

Sangkap:

Stew

  • 1 1/2 kilo ng pork leg, ipatadtad sa butcher sa grocery  into sections

  • 4 pirasong saging na saba, hiwain

  • 300 g ube, hiwaing pakuwadrado

  • 1 tasang tubig

Marinade

  • 1 kutsaritang annatto powder

  • 1 kutsarang paminta

  • 6 pirasong bawang, pitpitin at tadtarin

  • 3 kutsarang soy sauce

  • 2 kutsarang cane vinegar

  • 2 kutsarang asukal

  • 2 kutsaritang asin

  • 4 pirasong dahon ng laurel ( bay leaves)

Paraan:

  1. Pagsamahin ang lahat ng sangkap  na pang-marinade sa isang bowl.  Itabi.

  2.  Ilagay sa isang kaserola ang pork leg at saka ibuhos ang marinada.  Ihalong mabuti ang marinada sa pork leg gamit ang kamay. Takpan ang kaserola at ibabad ang pok legs sa marinada sa loob ng 2 oras.

  3. Ilagay ang kaserolang binabaran ng pork leg sa ibabaw ng stove at pakuluin sa medium heat kapag kumukulo na ay ibaba sa mahinang apoy at hayaang kumulo sa loob ng 1 oras at 15 minuto o hanggang lumambot ang pata. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan para hindi matuyuan.

  4. Idagdag ang ube at ituloy ang pagpapakulo sa karagdagang 15 minuto.

  5. Idagdag ang saging na saba at ituloy ang pagpapakulo sa karagdagang 15 minuto.

Photo and recipe credits: www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *