Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Sinigang na Salmon Belly

Isa ito sa best fish sinigang ayon sa ating author. Just imagine na lahat ng parte ng salmon na kasama ay satisfying at healthy. Dagdagan pa ng gulay tulad ng talong, kamatis, okra at spinach.
Sangkap:
  • 1 kg salmon belly, bituka at fins
  • 1 packet Tamarind Mix (Sinigang Mix)
  • 3 malaking kamatis, chopped
  • 1 malaking sibuyas na pula, chopped
  • 1 bungkos ng spinach, sliced in half
  • 12 pirasong okra
  • 2 pirasong Asian eggplants, sliced
  • 2 pirasong siling haba (pang sigang)
  • patis
  • paminta
  • 1 litrong tubig
Paraan:

1. Ilagay ang kamatis at sibuyas sa kaserola. Lagyan ng tubig at pakuluin.
2. Kapag kumulo na, ilagay ang isda, okra, talong at tamarind mix. Hayaang kumulo sa loob ng 15 minuto o hanggang maluto ang mga sangkap.
3. Ilagay ang spinach at siling haba. Pakuluin ng 2 minuto pa.
4. Lasahan ng patis at paminta.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net