Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Batsui

Itinuturing na food capital of the Philippines ang lalawigan ng Pampanga dahil dito nagmumula ang masasarap na ulam. Kilala rin ang Pampanga sa paggamit ng mga laman loob ng baboy, baka o manok sa kanilang mga lutuin at isa sa kanilang ipinagmamalaki ay ang Batsui. Ito ang kanilang version ng “Batchoy” kung saan loaded ito ng lamang loob ng baboy na niluto sa soup na may kasamang misua.
Sangkap
  • 350 g pork belly, sliced ng maliit na pakuwadrado
  • 100 g pork spleen, sliced ng maliit na pakuwadrado
  • 100 g pork pancreas, sliced ng maliit na pakuwadrado
  • 100 g pork kidneys, sliced ng maliit na pakuwadrado
  • 2 bunches/segments ng misua (roughly 75-100 g)
  • 5 tasa ng tubig water
  • 3 tasa ng  pork stock
  • 1 maliit na luya, hiwaing manipis
  • 6 piraso ng bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 1 sibuyas na pula, tadtarin
  • patis
  • paminta
  • chopped spring onions, pang-dekorasyon
  • siling haba, to serve
  • mantika
Paraan

1.  Igisa ang baboy at laman loob sa mantika, kapag brown na, hanguin at itabi.
2.  Igisa ang bawang, sibuyas at luya.
3.  Lagyan ng tubig at pork stock at pakuluin.  Hayaang kumulo sa loob ng 20 minuto. 
4.  Ilagay ang misua at lutuin sa loob ng 5 minuto.
5.  Lasahan ng patis at paminta.  Budburan ng tinadtad na spring onions at siling haba sa ibabaw. Ihain habang mainit.

Para sa iba pang recipes, bisitahin ang www.angsarap.net