Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Inampalayahang Manok

Itinuturing na food capital of the Philippines ang lalawigan ng Pampanga dahil dito nagmumula ang masasarap na ulam. Kilala rin ang Pampanga sa paggamit ng mga laman loob ng baboy, baka o manok sa kanilang mga lutuin at isa sa kanilang ipinagmamalaki ay ang Batsui. Ito ang kanilang version ng “Batchoy” kung saan loaded ito ng lamang loob ng baboy na niluto sa soup na may kasamang misua.
Sangkap:
  • 1½ kg chicken thighs, hiwain ng ilang piraso
  • 2 pirasong ampalaya, hiwain ng manipis
  • 3 pirasong kamatis, hiwaing makaapat (quartered)
  • 2 sibuyas, hiwain
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit 
  • 1 thumb sized na luya, hiwaing manipis
  • tubig o chicken stock
  • asin
  • paminta
  • patis
  • mantika
Paraan:

1. Hilamusan ng asin at paminta ang chicken at itabi. 
2. Hilamusan ng maraming asin ang ampalaya at itabi.
3. I-brown ang piraso ng manok sa kaserola, hanguin at itabi. 
4. Igisa ang bawang, sibuyas at luya at idagdag ang kamatis at lutuin hanggang lumambot.
5. Ibalik ang chicken at lagyan ng tamang dami ng tubig at takpan ang kaserola at pakuluin sa loob ng 30 minutos.
6. Hugasan sa gripo ang ampalaya para maalis ang asin.  Ihalo sa kaserola at iluto sa karagdagang 10 minuto.
7. Lasahan ng patis at paminta at ihain habang mainit.

Para sa iba pang recipes, bisitahin ang www.angsarap.net