Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Pinakbet Manyaman

Masarap at malinamnam kaya tinawag na “manyaman” at ito ay pinaniniwalaang superior version ng Pinakbet. Halos pareho ng regular na pinakbet pero ang paraan ng pagluluto ay iba. Imbes na sa tubig lulutuin o sa meat stock, ang ulam na ito ay niluluto na may halong beer, lemonade o soda at annatto extract.
Sangkap:
  • 2 maliit na talong, hiwaing  2 inch ang haba
  • 300 g okra, hiwaing 2 inch ang haba
  • ¼ kalabasa o buttercup, hiwaing 1 inch ang haba
  • 1 malaking ampalaya, hiwain (alisin ang buto)
  • 150 g shrimps, alisin ang balat at i-devein
  • 150 g liempo, hiwaing pakuwadrado
  • 4 pirasong kamatis, hiwaing maliit
  • 1 sibuyas na pula, tadtarin
  • ½ buong bawang, pitpitin at tadtarin
  • 2 kutsarang bagoong
  • alamang
  • patis
  • paminta
  • ½ cup 7-up o Sprite
  • ½ cup beer
  • 1 kutsarang annatto powder, tunawin sa  ¼ cup na mainit na tubig
  • olive oil
Paraan:

1.  Igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
2.  Ihalo ang baboy at haluin hanggang magkulay brown.
3.  Ilagay ang kamatis.  Haluin hanggang lumambot.
4.  Idagdag ang kalabasa at okra at haluin sa loob ng 2 minuto, hinaan ang apoy at takpan sa loob ng 5 minuto.
5.  Idagdag ang ampalaya at talong at iluto sa loob ng 2 minuto.
6. Ilagay ang beer, 7-up o Sprite, ang tinunaw na annatto powder, hipon at bagoong.  Takpan hayaan kumulo sa mahinang apoy sa loob ng 5-8 minuto hanggang maluto ang gulay.
7.  Lasahan ng paminta at patis o asin kung kinakailangan.

Para sa iba pang recipes, bisitahin ang www.angsarap.net