Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Batangas Lomi

Sangkap:

Lomi

  • 500g Lomi o kahit anong makapal na egg noodles 
  • 1½ tasang pork belly, hiwaing maliit na pa-cube
  • 1 tasang pork liver, hiwain
  • 1 tasang puso ng baboy (pork heart), hiwain
  • 10 pirasong kikiam, hiwain sa kalahati
  • 8 tasang chicken stock
  • 3 kutsarang sweet potato
  • starch
  • 2 itlog, batihin
  • 6 piraso ng bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 2 pirasong shallot, tadtarin
  • mantika
  • paminta
  • patisGarnish
  • 150 g chicharon
  • nilagang itlog, hiwain sa gitna (pahalang)
  • tinadtad na spring onions

Paraan:
1.  Iluto ang lomi ayon sa instructions sa pakete nito. Kapag luto na, i-drain at hugasan sa tubig at itabi.
2.  Sa isang kaserola, maglagay ng konting mantika at i-prito ang pork belly hanggang mag-golden brown ito. Hanguin mula sa kaserol at itabi.
3.  Ilagay ang puso ng baboy at i-brown ito. 
4.  Idagdag ang kikiam at lutuin sa loob ng 2 minuto. 
5.  Ilagay ang bawang at sibuyas at igisa sa loob ng 1 minuto.
6. Ihalo ang liver at lutuin hanggang mag-brown ang kulay.
7.  Ilagay ang chicken stock, pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.
8.  Ibalik ang piniritong pork belly, pakuluin sa karagdagang 2 minuto.
9.  Ihalo ang sweet potato starch sa konting tubig at ibuhos sa pinakukulong sabaw sa karagdagang 2 minuto. 
10.  Ilagay ang noodles at pakuluin pa. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.  Kapag kumukulo na ay patayin ang apoy at saka ilagay ang binating itlog at haluin.
11.  Lasahan ng paminta at patis.  Ilagay sa serving platter at lagyan ng chicharon, boiled eggs at tinadtad na spring onion at saka ihain.

Para sa iba pang recipes, bisitahin ang www.angsarap.net