Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Pinakufu

Ang pagkaing nagmula sa Tuguegarao City, na popular sa mga Ybanag.  Kadalasang kinakain ito kasama ang isa pang ulam na kung tawagin nila ay Sinanta, isang klase ng noodle soup na popular sa lugar na yun. Kumbaga, ito ang magkapares; tulad ng mami at siopao o ang pares. Ang pinakufu ay gawa sa malagkit na ibinababad sa tubig ng magdamag at gigilingin para magform ng paste, ang ginudgod na niyog ay pwede ring idagdag at idi-deep fry ito.  Hitsurang carioca pero ang shape at texture ay iba.

Sangkap:

  • 2 cups glutinous rice flour
  • 1 cup brown sugar
  • ½ tsp salt
  • cooking oil
  • tubig

Paraan:

1. Pagsamahin ang glutinous rice flour at tubig na tama ang sukat at unti unting haluin sa pamamagitan ng kamay para mag-form ng dough.  Ang final texture nito ay nahahalintulad sa bread dough.
2.  Lamasin ang bread dough at mag-form ng malaking size ng bilog at hatiin para maka-form ng maliit na size ng bilog tulad ng size ng pingpong balls.  I-flatten ito hanggang mag-form ng oval shape at itabi.
3.  Ihanda ang kawaling paglulutan at ilagay ang mantika.  Painitin ang mantika sa 180℃. I-deep fry ang glutinous rice dough hanggang mag-golden brown.  Alisin mula sa kawali at ilagay sa plato na may paper towel para maalis ang extrang mantika.
4.  Ihanda ang glaze. Lagyan ng 1/2 tasang tubig ang kawali, 1 cup brown sugar at asin. Pakuluin hanggang lumapot.  Ilagay ang fried glutinous rice dough, haluin hanggang mabalot ito ng syrup.  Kapag medyo dry na ay hanguin mula sa kawali at ihain.

Para sa iba pang recipes, bisitahin ang www.angsarap.net