Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Barbie Imperial Gets Big Break

Isa si Barbie Imperial sa mga teen housemates ng “Pinoy Big Brother: 737” ng ABS-CBN. Bago pumasok sa “bahay ni Kuya,” ay ipinakilala siya sa afternoon variety show na “It’s Showtime” kasama sina Kamille Filoteo at Bailey May. Tinawag siyang “The Doll along the Riles of Albay” dahil dati siyang nakatira malapit sa riles ng tren sa kanyang hometown sa Daraga, Albay.

Hindi siya nagtagal sa loob ng bahay ni Kuya, aksidente rin niyang inamin na may crush siya sa isa sa kanyang mga housemates na si Bailey May. Dito nagkaroon ng konting issue dahil mas bata si Bailey May at mayroon nang nabuong tagahanga sina Bailey May at Ylona Garcia (kasama rin sa loob ng bahay ni Kuya) na ayaw kay Barbie, although inamin din ni Bailey na may crush siya kay Barbie subalit isa pang kontrobersiya ang lumutang nang nagkaroon ng conversation ukol sa pagiging virgin ni Barbie na lumikha ng alingawngaw sa loob ng PBB house dahil sensitibong topic ito at feeling ni Barbie ay nabastos siya dahil mga bata pa sila upang pag-usapan ang ganitong topic. Nagpaliwanag si Bailey na sa bansang kanyang kinalakihan (UK), ito ay normal na topic sa mga teens pero hindi ito tinanggap ni “Kuya” at pinagsabihan si Bailey na igalang ang mga kababaihan.

Na-nominate si Barbie sa First Nomination Night, kasama sina Bailey May at Kamille Filoteo, upang maka-compete sa tinatawag nilang Ligtask Challenge subalit hindi siya pinalad at siya ay na-evict. Pagkatapos ng kanyang stint sa PBB house ay nagpatuloy pa rin sa paglabas sa mga cameo roles o guesting si Barbie sa bakuran ng ABS-CBN.

Tatlong taon pa lamang si Barbie sa showbiz ay nagawa na niyang ma-establish ang kanyang sarili bilang promising actress. Napasama siya sa pelikulang “Everyday I Love You” at “Love Me Tomorrow” at mga TV guestings sa “Wansapanataym,” “Maalaala Mo Kaya (MMK),” at “Ipaglaban Mo,”. At ngayon ay binigyan siya ng mas daring na role sa afternoon teleserye na “Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi” katambal ang isa pa ring nagbabalik na talent ng ABS-CBN na si JM De Guzman. Magandang sinalubong ng mga manonood ang naturang teleserye dahil nakitaan agad ng mga manonood na may magandang chemistry ang dalawa na pinatunayan ng mataas na ratings sa pilot epsiode nila. Open book ang lovelife ni Barbie na ang boyfriend ay si Paul Salas na isa sa excited sa pagkakaroon niya ng break sa showbiz.

Special siya sa akin pero trabaho naman ito, eh. Hindi ka pwedeng magpaapekto sa trabaho kasi lalo lang kaming masisira. Basta masaya ako para sa kanya dahil may bago siyang project. Busy-busyhan siya so support ako sa kanya,” pag-amin ni Paul. In-assure rin ni Paul na walang magiging problema sa kanya sa pagtatambal ng kanyang girlfriend at ni JM. “Si Kuya JM kasama ko na ‘yan sa ‘Mula Sa Puso’ pa lang. May pinagsamahan na kami niyan. Napakabait na kuya niyan para sa akin.

Sa edad ngayon ni Barbie na 19 years old, ano ang kanyang masasabi sa tinatakbo ng kanyang career? “Siyempre once ma-type cast ka sa ganitong klase ng roles ay baka hindi ka na makabalik sa mga sweet roles na babagay sa edad mo?” Ayon kay Barbie, ang lahat ng nangyayari sa kanyang career sa ngayon ay plano ng Diyos at nagpapasalamat siya dahil unti-unting nagbubunga ang kanyang pinagpaguran. At upang ma-enhance pa sa acting ay uma-attend siya ng iba’t ibang workshop para mas lumawak pa ang kanyang kaalaman sa acting at kasama na riyan ang pagtanggap ng iba’t ibang type ng role. Sa “Araw Gabi,” hindi niya nararamdaman na nababastos siya dahil sexy nga ang role niya. Mula direktor hanggang sa staff at maging ang kanyang mga co-stars ay may respeto sa isa’t isa. Sexy man ang kanyang role rito ay ipinangako ng kanilang direktor na lahat ay binubusising maigi upang hindi maging daring.

Inamin ni Barbie na kilala siya sa kanyang mga “pabebe” roles pero pinatunayan niya sa kanyang audition para sa role na ito sa “Araw Gabi” na kaya niyang gawin ang mga sexy roles. Ayon naman kay Head Unit Director Ruel Bayani na nag-produce ng “Araw Gabi,” nakita niya kay Barbie na kaya nitong i-deliver ang kung ano ang hinihingi ng role.

Anang direktor, maraming nag-audition para sa lead actress role sa “Araw Gabi” at hinanap niya yung nahahawig sa character sa libro (Precious Romance).

Kasi I think ganun dapat, e, kung sino yung nasa book, dapat yung essence nun yun ang mahanap.” At nakita niya kay Barbie ang character na isinasaad sa libro. Nagkaroon man ng pag-aalinlangan sa umpisa ay sumugal pa rin siya sa pagiging baguhan ni Barbie at ang second showbiz comeback ni JM.

I’m very confident na we’ve made the right choice with every single member of the cast and every single member of the team, na tama ang pagkakabuo nito para maibigay sa inyo ang pinakamagandang produkto na maaari naming maibigay.” dagdag pa niya.

Kasama nina Barbie at JM sina Rita Avila, Vina Morales, Ara Mina, Raymond Bagatsing, RK Bagatsing, Jane Oineza, Phoebe Walker, Paolo Angeles, Ysabel Ortega, Victor Silayan, Arlene Muhlach, Eric Nicolas at Joshua Colet. Idinirehe ito ni Theodore Boborol, Don Cuaresma at Mylah Ajero Gaite.

Tulad ng lahat ng inspiring stories ng mga baguhan na nais makipagsapalaran sa mundo ng showbiz, ang lalakbayin ni Barbie patungong stardom ay mahaba pa. Marami pa siyang pagdaraanan. Magkakaroon ng ups and downs, ika nga pero alam ni Barbie at aware siya rito. Ngayon isa na siyang lead actress, ipinapakita pa rin niya na kahit isa siyang probinsyana ay kakayanin niya ang lahat basta nasa puso ang tapang na suungin ang lahat ng pagdaraanan upang makamit ang tagumpay.

PHOTOS BY: ABS-CBN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *