Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF JULY 2018

Aries (March 21-April 19)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Fire Red
LUCKY NOS: 6, 19, 23, 37
Ang kabutihang natanggap mula sa kaibigan ay iyong masusuklian. Ipagpatuloy ang pagiging mabuti sa kapwa at ito ay babalik sa iyo in three folds. Mag-ingat lamang dahil hindi lahat ng kaibigan ay ganito ang iniisip kaya maging mapagmatyag sa paligid. Kung anuman ang binabalak at matutuloy.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Emerald Green
LUCKY NOS: 10, 25, 31, 32
May kaibigang magdadala ng isang magandang balita para sa iyo kaya ihanda ang sarili. Mayroon ding pagkakataong kapag ikaw ay nag-iisa ay babalik sa isipan ang mga nagawang mali sa nakaraan at ito ay pwede mo pang itama.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 2, 18, 25, 35
Sa iyong buhay pag-ibig, hindi man magkatugma ang inuugali ng bawat isa sa inyo, mararamdaman mo pa rin ang pagmamahal ng iyong minamahal.

Cancer (June 22- July 22)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: White
LUCKY NOS: 3, 17, 33, 35
Ikaw ay may problemang pinansiyal subalit maswerte ka at may makakatagpo kang makakatulong sa iyong problema. Ikaw ay mahusay na empleyado at tinitingala ng iyong co-workers kaya ipagpatuloy ito. Hindi masama ang sosyalan pagkatapos ng trabaho subalit maghinay-hinay lamang sa pag-inom dahil hindi ito magdudulot ng mabuti sa iyong kalusugan.

Leo (July 23 August 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NOS: 7, 18, 27, 39
Nagtaksil ka man ay umasa kang magiging tapat pa rin sa iyo ang iyong minamahal. Magulo man ang isipan ay huwag tanggihan ang payong ibinibigay ng mga taong malapit at nakakatanda sa iyo. Ilagay sa puso at isipan na maraming taong nagmamahal sa iyo at handang tumulong kung kinakailangan.

Virgo (August 23 September 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Powder Blue
LUCKY NOS: 11, 23, 30, 41
Huwag panghinaan ng loob kahit sa tingin mo ay wala nang solusyon sa iyong problema. Dasal pa rin ang pinakamabisang sandata ng isang nilalang upang malusutan ang kung anumang suliranin. Kung sa tingin mo ay wala ka nang matatakbuhan, ibigay ang tiwala sa Maylikha.

Libra (September 23-October 23)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 6, 15, 20, 27
Ang tukso ay hindi naiiwasan. Tao lamang tayo at nagkakamali. Kung maiiwasan ang tawag ng panandaliang aliw ay mas mabuti. Sa ngayon, ang iyong mahal ay may sama ng loob sa iyo dahil sa pambabalewala mo sa kanilang payo.

Scorpio (October 24 – November 21)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Neon Blue
LUCKY NOS: 3, 32, 35, 40
Magbibigay ka ng payo para sa isang taong malaki ang tiwala sa’yo. Kailangan mo nang tanggapin ang katotohanan na wala na ang dati mong taglay na karisma.

Sagittarius (November 22 – December 21)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 4, 19, 26, 39
Ngayon mo mapapatunayan na hindi lamang ikaw ang babae o lalaki sa buhay ng minamahal. Maninibago ang iyong katawan sa klima ng panahon, kaya makakaramdam ka ng pananakit ng katawan. Laging mag-iingat lalo na sa pagtawid sa kalsada. Malapit ka sa aksidente sa panahong ito.

Capricorn (December 22 – January 19)

LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Cherry Red
LUCKY NOS: 5, 18, 24, 32
May ilan mang hindi naniniwala sa tapat mong hangarin sa minamahal ay may isang kaibigan na magpapatotoo sa iyong wagas na hangarin sa minamahal. Ang iyong social connection ay malawak at may isa pang taong madaragdag dito na magkakaroon ng mahalagang papel sa iyong future.

Aquarius (January 20 – February 18)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Burgundy
LUCKY NOS: 3, 28, 29, 44
Maging maingat upang hindi masangakot sa isang away lalo’t sa isang kapitbahay. Mabuting manahimik ka na lang para hindi lumaki ang gulo. May isang kaibigan na may utang sa iyo, huwag mo nang asahan na maibabalik pa sa iyo ang nautang na pera dahil hindi na ito maibabalik.

Pisces (February 19 – March 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Old Rose
LUCKY NOS: 9, 13, 24, 37
Laging tatandaan na tayo ay hindi makina. Ang ating katawan ay napapagod din. Huwag itong abusuhin. Ang sobrang pagpapabaya sa kalusugan ay hindi magdudulot ng maganda. Kung anuman ang nangyayari sa iyong lovelife ngayon, ito ay bunga na rin ng iyong kagagawan.