Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Barbie Forteza and Kate Valdez

Nai-feature natin nung nakaraang issue ang show ng dalawang dalagang ito na nagbabalik para sa mas bagong episodes ng kanilang ” Anak ni Waray vs Anak ni Biday. Noong panahon ng lockdown ay natigil lahat ng pagpapalabas ng mga teleserye ng GMA 7 kaya puro reruns ang napanood. Pero dahil sa nagluwag na ang restrictions ay balik-taping na ulit ang mga artista at ang nabinbing programa ay magpapatuloy.

Since nai-feature natin ang kanilang show, atin namang pag-usapan ang tungkol sa dalawang lead stars na sina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Barbie Forteza

Hindi na kailangan pa ng maraming introduction kay Barbie Forteza, lumaki siya sa bakuran ng GMA 7. Una siyang napanood sa teleseryeng Stairway to Heaven (katambal niya si Joshua Dionisio) nang siya ay gumanap bilang batang Jodi. Naging instant hit sa mga Pinoy ang nasabing teleserye at dito nakilala si Barbie. Pagkatapos ng Stairway to Heaven ay napanood siya sa iba’t ibang palabas sa GMA 7 kung saan siya ay naka-kontrata.

Sa bakuran na ng GMA 7 lumaki si Barbie, kaya nahubog na ng panahon ika nga ang talento at galing ni Barbie at hindi lang sa isang genre kundi halos lahat, mapa-drama, comedy, tweetums, singing, horror, pati hosting ay kaya niyang dalhin. Walang dull moment kay Barbie. Smart at walang ere. Kapag kinausap mo isang mahusay na artista pero hindi ito naging dahilan para mag-astang primma donna si Barbie dahil alam niyang hindi siya pinababayaan ng kanyang mother network. Napanood siya sa maraming teleserye at tv shows sa GMA 7 at dito ay ipinakita niya kung gaano siya ka-versatile. Mula sa teeny bopper roles, comedy, drama, musical at kung ano pa ang ibigay mong role sa kanya ay kayang-kaya niya gampanan.

At sa dami ng roles na kanyang ginampanan ay naghahanap pa rin siya ng role na magiging challenging. Hindi siya tumitigil sa pagtuklas kung ano pa ang kaya niyang gawin. Marami ang nagsasabing isa siya sa swerteng talent ng GMA 7 dahil kumbaga, lagi siyang naroon at hindi nawawala sa limelight. Maging ang kanyang lovelife ay masaya at tahimik sa dahil mabait at understanding din ang kanyang boyfriend na kapwa niya Kapuso talent na si Jak Roberto. Kahit sa iisang istasyon lamang silang nagta-trabaho ay hindi ito naging balakid ang kanilang relasyon sa kani-kanilang showbiz schedules. They made sure na may time sila sa isa’t isa.

Maski na ngayong panahon ng pandemic ay hindi rin napigil ang kanilang pagkakaroon ng magandang komunikasyon. At sa career naman, sinikap ni Barbie na maging busy kahit nasa loob lamang siya noon ng bahay noong panahon ng ECQ. Nasabi niya sa sarili niya na marami siyang natutunan at napagmuni-munian. Nabuksan din ang kanyang isipan sa reyalidad ng buhay, reyalidad ng nangyayari ngayon sa buong mundo. Dapat mahalin natin ang ating sarili, ang ating pamilya sa panahong ito. Pagtuunan ng pansin ang kalusugan ng isa’t isa. Pahalagahan ang kahit na maliliit na bagay sa kadalasan ay hindi natin pinapansin o napapansin. Ayon kay Barbie, ang pandemic ay isang wake up call sa ating lahat upang magbago ang ating lifestyle. Dapat ay maging handa tayo physically, emotionally, mentally and spiritually.

Kate Valdez

Isa sa may magandang mukha sa showbiz. Nung lumabas ang kanyang larawan sa print media ay marami ang nagsabing kahawig niya si Liza Soberano. Masaya naman anya siya pero mas gugustuhin daw niyang makilala siya sa industriya bilang siya at kung ano ang mai-ooffer niya sa industriyang kanyang pinasok. “Si Kate po ako at hindi si Liza,” yan ang kanyang pahayag nung bagu-bago pa lamang siya sa showbiz. May katwiran naman talaga siya dahil kung ikaw ay papasok sa showbiz at ikukumpara ka sa isang artista kahawig mo, how will you prove your worth? Paano mo mapapatunayan na may sarili kang style sa pag-arte at may sarili kang talent?

Una siya nakita sa telebisyon sa pamamagitan ng sikat sa teleserye ng GMA 7, ang Destiny Rose. Marami ang nakapansin sa kanya, kaya nagkaroon ng ideya ang GMA network management na isama siya sa cast ng sequel ng Encantadia kung saan ay ginampanan niya ang papel na Mira na anak ni Pirena. Nakitaan ng galing sa pagiging kontrabida kaya naman mas lumaki ang chance ni Kate na makilala sa ganitong klase ng mga roles. Mas challenging nga naman. Pero sabi niya, pwede rin naman siya sa mga sweet and mabait roles kaya pinagbubutihan niya ang bawat projects na ibinibigay sa kanya.

Kadalasan, may mga baguhang artista na may iniidolong veteran actors o actresses na kanilang tinitingala at nagsisilbing role models sa kanila sa mundo ng showbiz. Isa si Kate sa mga baguhang may iniidolong veteran actress. At yan si Dina Bonnevie, ang kanyang nanay-nanayan sa teleseryeng Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

Ani Kate, hindi yung katarayan niya ang gustong gayahin ni Kate kundi ang kung paano ito umarte sa mga eksena. Hindi naman daw talaga mataray si Dina sa totoong buhay. Mabait daw ito ay hindi ka maiilang na i-approach ang veteran actress kung may itatanong siya. Nagtataray lamang daw ito kung may mga artistang pasaway at walang respeto sa mga taong nakapaligid sa kanila. Pero in general, bukod daw sa maganda na, mabait at mahusay na artista pa.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang kanilang teleseryeng Anak ni Waray vs Anak ni Biday at masayang-masaya siya sa takbo ng kanyang career dahil todo suporta ang kanyang TV network sa GMA Artist Center na nagbibigay sa kanya ng malaking atensiyon. At umaasa siyang may makatrabaho pa siyang mga veteran actors and actresses in the future.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *