Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Balik-eskuwela sa Nobyembre, tuloy na

Sa darating na Nobyembre ay ipapatupad na ang full face-to-face classes sa elementarya at high school sa buong bansa.

Ipinahayag ito ni Pangulong Marcos Jr. sa kanilang unang Cabinet meeting.

Ang full face to face classes sa Nobyembre ay inanunsiyo ni Vive President Sara Duterte-Carpio at inaprubahan naman ng Pangulong Marcos Jr.

Aniya, ang pagpapatupad ng face to face classes ay unti-unting ipapatupad mula Setyembre hanggang makaabot sa 100% sa Nobyembre.

Sa buwan ng Agosto ang umpisa ng klase para sa shool year 2022-2023 kung saan ayipinapatupad na rin ang face-to-face classes sa ilang pampublikong paaralan at ilang private schools.