Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Pangulong Marcos Jr. hindi pabor sa pagtatanggal ng kawani ng gobyerno

Hindi pinaboran ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang rekomendasyon ng kanyang gabinete na magtanggal ng  ilang kawani ng gobyerno para anila ay makatipid ang gobyerno.

Si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo, ay nagsuhestiyon sa Pangulong Marcos Jr. na magbawas ng tao sa gobyerno para makabawas sa gastusin na hindi sinang-ayunan ni PBBM.

Ayon sa Pangulo, sa panahon ngayon ay hindi anya tamang magbawas ng tao dahil ayaw niya itong mawalan ng mga trabaho lalo pa at nasa gitna pa rin tayo ng pandemya at mataas ang lahat ng bilihin.

Batid ng Pangulo ang mga isyung kinakaharap ng bansa kaya ayaw niyang may maiiwasan, nais niyang tupdin ang kanyang pangakong pagbangong muli ng ekonomiya at sa tulong rin ng mga mamamayang Pilipino.