Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Baka Tula-sog

Kilala ang probinsiyang Davao sa kanilang kape at cocoa. Ang cocoa na mahalagang sangkap upang makabuo ng isang maipagmamalaking dish na tinawag na Baka Tula-sog. Ito ay kahalintulad sa dinuguan at adobo at amoy ulam na binagoongan pero kalasa ng curry. Isang kakaibang lutuin na kinagigiliwan ng mga taga-Davao.

Sangkap:
  • 1 kg pang nilagang beef o brisket, hiwaing pakuwadrado
  • 400g lata ng pineapple chunks
  • 3 tasa ng beef stock
  • ¾ tasang suka
  • 1½ tasang pineapple juice
  • 4 kutsarang bagoong alamang
  • 2 pirasong tablea
  • 2 kutsarang curry powder
  • 2 pirasong bay leaf (dahon ng laurel)
  • 2 pirasong siling haba, hiwaing maliliit
  • 1 buong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
  • 1 malaking sibuyas na pula, tadtarin
  • 1 maliit na sariwang turmeric, hiwaing manipis
  • Mantika
  • Asin
  • Paminta
Paraan:
  1. Lagyan ng asin at paminta ang baka.
  2. Painitin at lagyan ng mantika ang kawali at ilagay ang baka at haluin hanggang magkulay brown. Hanguin at itabi.
  3. Pagkahango sa beef mula sa kawali ay ilagay ang bawang at sibuyas at igisa.
  4. Idagdag ang sili at bagoong at ituloy ang paggisa.
  5. Ibalik ang baka at ilagay ang turmeric, beef stock, vinegar, pineapple juice, tablea, curry powder at bay leaf. Pakuluin at hayaang kumulo sa mahinang apoy sa loob ng 1 1/2 oras o hanggang lumambot ang baka.
  6. Lakasan muli ang apoy hanggang ang sabaw ay mabawasan at lumapot. Lasahan ng paminta at asin kung kinakailangan. Ihalo ang pineapple chunks at saka ihain.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang https://www.angsarap.net/