Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Hike up to the Stars

Napakalawak ng kalangitan na puno ng misteryoso at kawili-wiling panoorin. Makikita at maoobserbahan natin ang iba’t ibang ganda ng kalangitan sa tulong ng teleskopyo o mismo ng ating sarling mata. Nagiging mas acquainted tayo sa position ng stars at kung ano ang tawag dito. May mga taong mahilig sa constellations na kanilang pinag-aaralan. Sadyang nakakahalina ang mag-stargazing dahil marami kang matututuhang iba’t ibang posisyon ng bituin.

Kahit anong panahon, kapag ang kalangitan ay maliwanag lalo na sa gabi ay madalas nakikita natin ang maliwanag ng buwan at milyun-milyong bituin na sadyang nakakaakit tingnan. Marami sa lokal na pamahalaan ang gumagawa ng paraan para i-promote ang kanilang lugar para sa mga turista upang masaksihan ang makutitap na bituin sa langit na tinatawag na stargazing. Mula sa turista hanggang sa professional photographers ay makakasalamuha mo sa mga lugar na pamoso ang stargazing.

Mga lugar sa Japan kung saan maaaring mag-stargazing, katulad ng mga sumusunod:

1. Shinshu Achi Village, Fujimidai Highlands (Nagano-ken)

Nag-rank bilang No. 1, taong 2006 sa Star Watching Network na isinagawang nationwide star observation activity ng Ministry of Environment. Dito sa lugar na ito kung saan makikita ang pinakamaliwanag at makutitap na mga bituin sa buong Japan. Ang Fujimidai Highlands Heavens Sonohara ay nasa loob ng Shinsu Achi Village kung saan mae-enjoy mo ang nature at masasaksihan ang kalangitan o ulap na puno ng mga bituin sa buong taon. Ino-offer ng Shinshu Achi Village ang Starry Sky tour para sa lahat. Para sa karagdagang impormasyon ay puntahan ang kanilang website.

Website: http://sva.jp/night_tour/
Price: Adult/High School Student ¥2,200
Elementary/Junior High School Student ¥1,000
Preschool child FREE
※ Prices include gondola round trip fare fee.
Access – Bisitahin ang link: http://sva.jp/access/ or tumawag sa kanilang numero.
Contact: Achi Day Tourism Bureau (0265-43-3001) / Heavens Ohara (0265-44-2311)

2. Dodaira Observatory, Mount Dodaira (Saitama-ken)

Ang Mount Dodaira sa Saitama ay isang magandang destinasyon para sa mahilig sa outdoor activities. Ang obserbatoryo ay nasa ituktok ng Mount Dodaira sa Tokigawa-machi. Sa loob ng observatory na ito ay mae-enjoy ang tatlong ipinagmamalaking summer fun activities, ang camping at BBQ sa bundok, ang city nightscape viewing mula sa tuktok ng bundok at ang stargazing.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website.

Website: http://www.town.tokigawa.lg.jp/
http://www.town.tokigawa.lg.jp/forms/info/info.aspx?info_id=11574
Address: Tokigawamachi ōazaōno 1853
Tel.No.: 0493-67-0130 / 080-2373-8682 (For Price & Reservation)
Bukas mula (Monday-Friday) 8:30 AM – 5:15 PM
※ Bukas pag Sabado pero kapag ang Sabado ay holiday, ang main office ay sarado rin.

3. Mount Daisen (Tottori-Ken)

Ikinukonsidera ang Tottori na isa sa pinaka-best spot para sa stargazing sa Japan dahil nasasaksihan ang milky way sa lahat ng siyudad tuwing tag-araw. Kada buwan ay mayroon silang stargazing event na popular sa mga turistang dumarayo sa Mt. Daisen. Mga unique na aktibidades ang pwedeng gawin sa naturang lugar tulad ng drawing letters in the night sky sa pamamagitan ng penlight na isinasagawa dalawang beses sa isang buwan. Kapag nag-stargazing nang new moon, masasaksihan ang mga bituin na very visible.

Website link: http://tourismdaisen.com/tour/star/
Tel.No.: 0859-52-2502 (8:30-17:00)
May mga campgrounds kung saan maaaring mag-stay para sa star gazing;
* Gouenzan Camp Ground at Shimoyama Camp Ground ay mga simpleng facilities na pinamamahalaan ng National Park Service (0859-52-2165).
• High School – ¥400 / Elementary/Junior High Kids- ¥300 / Tent space – ¥300
• Ang Shimoyama rin ay may mga tents na paupahan sa halagang ¥5,000. Open on mid-June until August, with a free parking lot.
* Mori-no-Kuni Daisen Field Athletics (0859-53-8036) ay may simpleng option at kumpleto sa kanilang extensive athletic facilities at mini golf. Bukas sa kalagitnaan ng Marso hanggang Nobyembre.
Entry fee: ¥700-800 yen, plus ¥700-1300 yen per-person site. (tents, BBQ sets, blankets, at iba pa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *