Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

Summer Mountain Activities

Kapag panahon ng tag-araw ay maraming aktibidad na pwedeng gawin tulad nang pagpunta sa beaches, paglalakbay sa iba’t ibang lugar upang mag-relax at mayroon ding mga grupo na gustong mamundok at i-enjoy ang iba’t ibang klase ng adventure tulad ng hiking, climbing, trekking, mountaineering, camping at marami pang iba. Ang ganitong adventure ay maaaring gawin ng pamilya o grupo at may mga iba’t ibang klase ng tour.

HIKING

Paglalakad ng malayong distansya na may espesipikong daan na may markang tinatahak na parang mountain trailing. Ang hiking ay kadalasan tumatagal ng kalahati o hanggang isang buong araw depende sa layo ng iyong destinasyon. Maaaring patag lamang ang daraan na kadalasan ay mas madali, subalit kapag ang tinatahak ay bulubundukin, ito ay mas matagal.

CLIMBING

Ang pag-akyat na tinatawag na mountain climbing ay napaka-challenging para sa lahat dahil mararanasan mong umakayat sa matatarik na bundok upang makarating sa tuktok. Siyempre, kailangan ang tamang kagamitan upang mag-hiking at mag-mountain climbing. Ang ice axe at matibay na lubid depende sa terrain na iyong tinatahak. Ang mountaing climbing ay dapat may kahandaan bago gawin. Kailangang malusog ang iyong pangangatawan at pag-iisip upang maging handa sa kung anumang mararanasan sa kakaibang experience na ito.

TREKKING

Nasa pagitan ng hiking at mountaineering pero mas nahahawig sa hiking. Ang pagkakaiba nito ay mas mahaba ang tinatahak na daan sa trekking na ibig sabihin, ang paglalakad ay tumatagal ng higit sa isang buong araw. Madalas, tatlong araw o higit pa. Dito rin mararanasan kung paano ang mag-camping sa itaas ng bundok. Kailangan lamang na handa ka sa mga kagamitan, pagkain at first aid pang-trekking at camping.

MOUNTAINEERING

Ito ang pinaka-challenging sa lahat. Dito mararanasan ang pag-akyat sa matatarik na parte ng bundok. Matagal din ang pagma-mountaineering na maaring tumagal ng higit sa tatlong araw. Kakailanganin ang kagamitan pang-mountaineering at maging handa sa kahit anong sitwasyong mararanasan habang nasa itaas ng bundok.

CAMPING

Ito ang madalas na ginagawa ng isang pamilya kapag gusto nilang outdoor activities na malayo sa siyudad. Nature-tripping, adventure, excitement, siyempre sama-sama ang pamilya, dala-dala ang lahat ng equipment na gagamitin tulad ng tent, cooking untensils pangluto, first aid kit, lantern o ilaw. Ang camping ay kasama sa mga nature adventures tulad ng hiking, trekking, fishing, rafting, kayaking. Sabi nga ng iba ang camping ay nagbibigay ng kakaibang kasiyahan sa isang pamilya na ine-enjoy ang bulubunduking paligid na puno ng mataas na puno, halaman, tubig na nagpapa-relax sa ating buong isipan.
———

Bukod sa pag-e-enjoy, marami rin health benefits na naidudulot ang ganitong aktibidades sa ating katawan at isipan.

Ang hiking bukod sa ine-enjoy mo ang nakikita mo at nalalanghap mong sariwang hangin ay nagdudulot pa ito ng mabuting resulta sa ating kalusugan. Ang hiking ay itinuturing na mahusay na cardio exercise:

  1. Ito’y nagpapababa ng risk na pagkakaroon ng heart disease.
  2. Nag-i-improve ng blood pressure level maging ang blood sugar level.
  3. Nakakatulong sa pag-boost ng bone density dahil ang paglalakad ay isang weight-bearing exercise.
  4. Nagpapalakas at nagpapatibay ng muscles mula sa hips hanggang sa lower legs.
  5. Palakasin ang inyong gitnang parte (mid section) ng katawan.
  6. Ma-improve ang balanse habang naglalakad.
  7. Nakakatulong upang mabawasan ang timbang.
  8. Nakakatulong upang ma-boost ang mood ng isang tao lalo na kung stressed out dahil sa trabaho o nakakaramdam ng anxiety.

Ang pagka-camping ay may dala rin health benefits. Bukod sa nag-e-enjoy sa sa paligid dahil sa sariwang hanging nalalanghap, feeling relaxed ka rin dahil malayo sa kabihasnan. Nagpapatibay nito ang bonding ng pamilya at magkakaibigan. Mabuting panahon upang mag-unwind, exercise nang sabay-sabay, makapaghinga, mabawasan ang stress level, kumain ng