Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Bagbet

Dalawang popular na Ilocano dish na pinagsama bilang isang lutuin. Ang Bagbet ay bagnet na may sabaw ng pakbet. Parang pinakbet na may chicharon na imbes na ang balat ng chicharon ay malutong, kapag inihalo sa sabaw ay magiging malambot at medyo malagulaman kapag inihalo sa sabaw.

Sangkap:

Bagnet

  • 1 kg pork belly, buo
  • 1 buong bawang, dikdikin
  • 1 kutsaritang paminta
  • Asin
  • 4 pirasong bay leaves (dahon ng laurel)
  • 1 kutsarang baking powder
  • Mantika

Vegetables

  • 2 maliit na Asian eggplant (talong), hiwain sa 2 inches ang bawat piraso
  • 1 bungkos ng sitaw, putulin ng 2 inches ang bawat piraso
  • 300g okra, hiwain ng 2 inches ang haba bawat piraso
  • ¼ kalabasa o buttercup, hiwain ng 1 inch ang bawat isang piraso
  • 1 tasang frozen patani (lima beans), edamame o broad beans
  • 1 malaking ampalaya, hiwain
  • 4 pirasong kamatis, hiwaing maliit
  • 1 sibuyas na pula, tadtarin
  • ½ ulo ng bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 2 kutsarang bagoong monamon
  • 1 kutsarang asukal (optional kung gustong may kaunting tamis)
  • Patis o sea salt
  • Paminta
  • Mantika
  • 1 tasang tubig
Paraan:

Bagnet

  1. Ilagay ang liempo sa kaserola na may katamtamang tubig upang ma-cover ang liempo. Lagyan ng asin, paminta, bawang, dahon ng laurel (bay leaves) at baking powder. Pakuluin at alisin ang dumi (scum) at ituloy ang pagpapakulo sa loob ng 1 oras at 15 minuto o hanggang lumambot ang liempo. Hanguin ang liempo mula sa kaserola at itabi.
  2. Kapag malamig na ang liempo ay ilagay sa ref hanggang lumamig ito para ma-achieve ang malutong na balat ng liempo. Alisin sa ref at hiwain ng 2 hanggang 3 inches ang kapal ng bawat piraso.
  3. Ihanda ang deep fryer o malaking kawali na may mantika. Painitin ang mantika sa mataas na temperatura ng apoy at hinanaan kapag ang mantika ay nag-uumpisa nang umusok. Ilagat ang liempo at i-deep fry sa loob ng 10 minuto. Pagkaluto ng liempo ay hanguin at itabi para lumamig ng kaunti.
  4. Kapag medyo malamig na ay ilagay ulit sa ref hanggang lumamig.
  5. I-deep fry ulit ang liempo sa pangalawang pagkakataon at sa loob ng 5 minuto.
  6. Pagkalipas ng 5 minuto ay hanguin sa fryer at palamigin ng kaunti at hiwaing sa bite size ang bawat piraso.
    Vegetables
  7. Igisa sa frying pan ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.
  8. Ilagay ang kalabasa, okra at patani at i-prito sa loob ng 2 minuto. Hinanaan ang apoy at takpan ang pan sa loob ng 5 minuto.
  9. Ilagay ang sitaw, ampalaya at talong, haluin hanggang maluto sa karagdagang 2 minuto.
  10. Ihalo ang hiniwang bagnet at lagyan ng tubig, asukal at bagoong monamon. Takpan at pakuluin sa loob ng 5-8 minuto sa katamtamang init ng apoy hanggang ang mga gulay ay maluto.
  11. Lasahan ng paminta at lagyan ng patis o asin kung kinakailangan.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net