Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Tinadtad na Baka

Ang Tinadtad na Baka ay inihahanda kasama ang tinadtad na baka kasama ang mga gulay tulad ng patani (lima beans), labanos (Daikon radish), okra, sitaw (string beans), sigarilyas (winged beans), at kangkong (water spinach) na ang pampaasim ay kamias, at pampalasa tulad ng patis (fish sauce) at siling haba (finger chillies).

Sangkap:
  • 750 g beef brisket, hiwain ng pakuwadrado ( bite size)
  • 1 tasang lima beans, edamame o broad beans
  • 1½ tasang hiniwang labanos
  • 200 g katamtamang laki ng okra, hiwain sa dalawa
  • 1tali ng sitaw
  • 1 sachet envelope ng sinigang (tamarind) mix o 12 piraso ng kamyas (alisin ang dulo)
  • 1 bungkos ng sigarilyas (optional)
  • 1 tali ng kangkong (optional)
  • 2 katamtamang laki ng kamatis, hiwaing maliit
  • 1 malaki sibuyas na pula, tadtarin
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • tubig
  • patis
  • mantika
Paraan:

1. Lagyan ng mantika ang kaserolang paglulutuan at ilagay ang mga piraso ng baka. Haluin hanggang magkulay brown at saka hanguin at itabi.

2. Ilagay ang bawang at sibuyas at igiisa. Idagdag ang kamatis at lutuin hanggang lumambot ito. Ibalik ang baka.

3. Lagyan ng tamang dami ng tubig na mako-cover-an ang baka at ilagay ang kamyas (kung ito ang gagamitin). Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 40 minuto o hanggang ang baka ay lumambot na.

4. Ihalo ang patani (lima beans) at labanos (radish) at ituloy ang pagpapakulo sa loob ng 10 minuto.

5. Ilagay ang sibuyas, sitaw, sigarilyas at okra at pakuluin sa karagdagang 5 minuto.

6. Kung gagamit ng sinigang mix, ilagay na ito sa kaserola at haluing mabuti at lasahan ng patis kung kinakailangan ng dagdag na lasa. Ihalo ang kangkong at patayin ang apoy at takpan ang kaserola ng 2 minuto para maluto ang kangkong at saka ihain.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net