Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Awayang Enrile-Trillanes, lumala

Hindi na napigilan pa ni Senator Antonio Trillanes III ang kanyang pagka-disgusto kay Senate President Juan Ponce Enrile nang magsalita ito sa kanyang privilege speech at nagbunyag na si Enrile diumano na nagpupumilit na ipasang panukalang batas katulad ng paghahati sa Camarines Sur.  At si Rep. Gloria Macapagal-Arroyo umano ang nagbibigay ng order kay Enrile upang gawin ito.  Ayon pa kay Trillanes na mukhang sobrang laki ng utang na loob ng Senador kay Rep. Arroyo at pinakikinggang ng Senate President ang huli.  Naghihinala rin si Trillanes na si Enrile ay may “tuta’ ni Arroyo. Sinabi pa ni Trillanes na sia ay magbibitiw na sa mayorya at bababa sa minroya dahil nawala na umano ang kanyang tiwala sa Senate  President.

Dahil dito, tahasang inakusahan ni Enrile si Trillanes na traydor dahil napag-alaman nito mula kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario na mas gumulo ang pakikipag-usap ng Pilipinas sa China dahil sa isang “spoiler”. Inakusahan ni Enrile si Trillanes na mistulang ibinenta ang Pilipinas sa China sa pagtayo nito bilang backroom negotiator ng bansa. –(Philstar)