Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Si Aquino ang nagtalaga

Matapos akusahan ni Senate President Juan Ponce Enrile na traydor si Sen. Antonio Trillanes IV at katulong umano ng China sa pag-angkin sa Panatag o Scarborough Shoal, inisa-isa ni Trillanes sa harapan ng Senado ang kanyang mga gawain. Ayon sa kanya, ang kanyang trabaho bilang back-channel negotiator ay gumawa ng mga proposals, kung sakaling hindi magawa ng Pangulong Aquino ang mga ito, at counterproposals, kung sakaling may gustong idagdag ang senador. Aniya, si Aquino ang nagtalaga sa kanya sa posisyon at kasama rito ang kanyang tungkulin. Sa kasamaang palad ay humantong sa hamunan ang palitan ng salita ng dalawa. Hinamon ni Enrile si Trillanes na ibunyag nito ang mga Chinese officials na nakausap nito habang binisita ang bansa. Samantalang hamon naman ni Trillanes kay Enrile, ipakita sa publiko ang notes ni Philippine Ambassador to China Sonia Brady. Maaari kasing gawa-gawa lamang ito ng kampo ni Enrile. Sa pagpapatuloy ng mga hamunan ay inamin na rin ni Trillanes na isa siya sa mga senador na nagpaplanong patalsikin sa pwesto si Enrile at hinihimok pa nito ang kanyang mga kasama upang makilahok sa kanya. (Philippine Daily Inquirer)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *