Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Panara

Ito ay isang Filipino dish na ginawa sa pamamagitan ng pagdi-deep fry ng wonton na may filling na ginisang upo na may halong hipon.

Sangkap:


2 tasang tinadtad na upo
16 pirasong square na wonton wrappers
12 pirasong binalatang hipon
1 sibuyas, tadtarin
3 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
1 maliit na itlog, batihin
patis
paminta
mantika

Paraan:


1. Igisa ang bawang at sibuyas.
2. Ilagay ang hipon at upo at igisa sa loob ng 3 minuto, huwag i-overcook ang upo para naroon pa rin ang lutong nito.
3. Alisin sa pan at itabi para lumamig ng kaunti.
4. Ihanda ang wonton wrapper. Lagyan ng isang kutsarang dami ng upo mixture ang wrapper at balutin ito gamit ang binating itlog para magsara ang wrapper. I-fold ito ng pa triangle. Pag naibalot na lahat ng mixture ay itabi ito.
5. Maglagay ng maraming mantika (deep fry) ang kawali (170C) at i-deep fry ang wonton hanggang mag-golden brown. Hanguin mula sa kawali ang nalutong wonton at i-lagay sa paper towel para maalis ang sobrang mantika. Ilagay sa serving platter at ihain ng mainit.

Photo credit: www.angsarap.net

For more recipes, please visit www.angsarap.net