Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Maaaksyong eksena ni Angel sa “The General’s Daughter,” wagi sa ratings at trending sa social media

Gabi-gabing pinapatunayan ni Angel Locsin ang pagiging Action Drama Queen ng bansa sa teleseryeng “The General’s Daughter” dahil sa patuloy nitong paghakot ng mga manonood at mga papuri mula sa netizens para sa buwis-buhay na mga eksena at stunts nito.

Tinutukan at nag-trending ang isang eksena kung saan tampok ang pag-akyat ni Angel sa building nang walang stunt double, na nagtala ng national TV rating na 31.4%.

Inuulan naman ng papuri mula sa netizens ang naturang episodes na sinusundan ang misyon ni Rhian, matapos niyang matuklasan na siya ang nawawalang anak nina Marcial (Albert Martinez) at Corazon (Eula Valdez) na si Arabella.

Ayon sa isang Twitter user, “Sa bagsik at pakikipaglaban, kapantay ni Rhian ang ibang roles na binigyang buhay ni Angel Locsin. Pero sa tapang na may sukdulang katapatan, daig ni Rhian lahat dahil wala siyang kahit anong superpowers.

Sabi naman ng isa pang twitter user, “The!! Angel!! Locsin!! Climbing her way up that building. Nakaka-proud. She’s proving she will and she can. No injury can stop her. Ibang klase ang dedikasyon mo!

Bukod sa Twitter users ay marami pang humanga sa dedikasyon na iniaalay ni Angel sa kanyang role dahil hindi biro ang ganitong stunts lalo pa’t alam ng marami na nagkaroon ng back injury si Angel.