Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

After Maria la del Barrio

Erich Gonzales

Medyo matagal din ang in-ere ng Maria la Del Barrio (The remake) kaya nakaka-miss din dahil nakaugalian na itong panoorin sa gabi. Nakakalungkot din malaman mukhang hindi na muna magtatambal sina Enchong Dee at Erich Gonzales.

Derek Ramsay

After ng Maria La Del Barrio ay wala akong nabalitaang susunod na proyekto para kay Enchong pero si Erich ay may ipapalabas na Indie # lm na katambal si Derek Ramsey. Actually, sinabi nila na noong 2010 pa nila inumpisahan ang pelikulang “Corazon, Ang Unang Aswang” nung ginagawa pa nila ang Magkaribal kaya naman ipinagmamalaki nina Derek at Erich ang pelikula dahil pinaganda ng husto at pinaghandaan talaga upang magustuhan ng mga manonood. Natanong din si Erich ukol sa pagtatrabaho with Derek.

Challenged din syempre ako dahil box of# ce star ang katambal ko at alam kong nage-expect ang maraming tao sa pelikula naming ito. Ang maipapangako lamang namin dito ay msisiyahan kayo at magagandahan sa pelikula. (PHD)

Comments are closed.