Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Christian Bautista silent on love

Christian Bautista

Tahimik si Christian Bautista lalo na kung ang lovelife ang pag-uusapan. Ang huli nating nalaman ukol sa kanyang buhay pag-ibig ay noong sila pa ni Rachel Ann Go. Medyo matagal din nung muling napukaw ang pihikang puso ni Christian.

Nung maghiwalay sila ni Rachel Ann ay nag-concentrate siya ng husto sa kanyang career at sinuwerte siya dahil tinangkilik sa Singapore, Indonesia at iba pang karatig bansa ang kanyang recording albums.

Sumikat ng husto sa Indonesia si Christian at napasama din siya sa cast ng Kitchen Musical, isang Singaporean musical drama television series at dito niya nakilala ang kanyang napupusuan, si Carla Dunareanu.

Si Carla ay isang Chinese-Romanian pero naka-base talaga sa Singapore. Masaya si Christian lately at mapapansin mong may kumukumpleto ng kanyang araw. Ika nga ng iba, mahusay na balladeer si Christian at madaling magpa-in love sa mga tagahanga niya sa pamamagitan ng kanyang mga awitin kaya it’s but time na siya naman ang lumigaya at mapasaya ng mga love songs na kanyang inaawit. (PHD)