Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Jose at Wally concert success

Jose and Wally

Nakakatuwa naman at talagang malayo na ang narating nina Jose Manalo at Wally Bayola. Kamakailan lang ay nagkaroon sila ng concert sa Smart Araneta Coliseum at sadyang dinumog ng mga tao ang concert venue. Hindi rin matatawaran ang mga panauhing nagbigay suporta sa dalawa.

Jampacked ika nga ang lugar. Naging emosyonal ang dalawa sa bandang huli dahil hindi nila akalain na makakatuntong sila sa stage ng Araneta upang mag-concert.

Malaki ang pasasalamat nila kay “Bossing” Vic Sotto at Tony Tuviera dahil sa pagtitiwala at suportang kanilang natanggap.

Nakilala ng husto ang dalawa sa segment ng Eat Bulaga ang “Juan for All” na kung saan ay dumadalaw

sa bawat barangay ang dalawa at nagbibigay ng biyaya.

Ayon naman kay Vic Sotto, ang dedikasyon sa trabaho at talento ng dalawa ang nagtulak sa kanila upang bigyan ng pagkakataon ang dalawa sa concert scene.

Maraming mga tagahangang humihiling kung maaari ay magkaroon pa ng part 2 ang concert, marahil dahil na rin sa turn out sa box of# ce ng concert venue ay malamang na magkaroon ng repeat performance. Congatulations kina Jose at Wally, ang mga bagong concert comedy kings!

Comments are closed.