Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Afripaya

Ang Afripaya ay version ng Afritada pero imbes na ang mga sangkap ay ang usual na ingredients ng Afritada (patatas, carrots at manok), ang mga sangkap nito ay karne ng kalabaw at papaya. Ang lutuing ito ay may balanse ng papaya at karne ng kalabaw.

Sangkap:
  • 1 kg (karne ng kalabaw) water buffalo o beef ribs, hiwain sa tamang section o bite size
  • 500 g papayang hilaw o mura, hiwaing pakuwadrado
  • 1 malaking carrot, hiwaing pakuwadrado
  • 1 malaking siling pula (bell pepper), hiwaing pakuwadrado
  • 400 g tinadtad na kamatis
  • 2½ tasang beef stock
  • 3 kutsarang tomato paste
  • 3 pirasong bay leaves (dahong laurel)
  • 1 kutsaritang dried sweet basil
  • 6 pirasong bawang, pitpitig at hiwaing maliit
  • 1 malaking sibuyas, tadtarin
  • mantika
  • patis o sea salt
  • paminta
Paraan:

1. Sa kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2. Idagdag ang beef ribs (o karne ng kalabaw) at haluin mabuti hanggang magkulay brown ang bawat side ng karne.
3. Idagdag ang tinadtad na kamatis, beef stock at bay leaves at pakuluin. Hayaang kumulo sa mahinang apoy sa loob ng 1 oras at 15 minuto o hanggang lumambot na ang karne.
4. Ilagay ang carrots at ituloy ang pagpapakulo sa karagdagang 10 minuto.
5. Idagdag ang papayang hilaw at tomato paste at pakuluin sa loob ng 15 minuto.
6. Ilagay ang bell pepper at lasahan ng patis o sea salt at paminta. Ihain kasama ang mainit na kanin.