Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Inasal na Liempo

Sangkap:

Liempo

  • 1kg pork belly, ¾ inch thick cuts

Marinade

  • ½ thumb sized na luya, alisin ang balat
  • 6 piraso ng bawang, alisin ang balat
  • 4 tangkay ng lemongrass (tanglad) , puting parte ng tangkay
  • 1½ tasang coconut vinegar
  • ½ tasang lemon juice
  • ¼ tasang patis
  • 3 kutsarang brown sugar
  • 1 kutsaritang baking soda
  • paminta

Basting Sauce

  • 2 tsp annatto powder
  • ½ tasang butter
  • juice mula sa pinigang 2 lemon
  • ½ kutsaritang asin
Paraan:

1. Pagsama-samahin ang lahat ng sangkap ng pang-marinade sa food processor maliban sa baking soda.
2. Sa container na may takip, pagsama-samahin ang pork belly, marinade at baking soda. I-mix maigi habang minamasahe ang karne. Takpan ng mahigpit ang container at i-marinade sa loob ng 6 na oras.
3. Paghaluin ang lahat ng sangkap pang-basting sa sauce pan at pakuluin sa mahinang apoy sa loob ng 2 minuto at itabi.
4. Ihanda ang uling na pang-ihaw at ihawin ang pork belly at punasan ng butter sauce hanggang maluto.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net