Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Anim na Kapamilya stars muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN

Anim sa mga kilalang artista ng ABS-CBN ang mananatiling Kapamilya matapos silang pumirma ng tig-dalawang taong kontrata sa ABS-CBN kamakailan.

Nangunguna rito ang aktres na si Bea Alonzo na nasasabik na sa nalalapit na South East Asian premiere ng kanyang pelikula na “Eerie” na ipapalabas sa Marso. Bukod sa bagong teleserye na kasama si Richard Gutierrez. “I feel really blessed to remain a Kapamilya. My heart is so grateful for all the trust that the Kapamilya bosses are giving me,” ani Bea nang tanungin kung anong nararamdaman niya sa muling pagpirma ng kontrata.

Nag-renew rin ng kontrata si Enchong Dee. Nakatakdang irelease ang kanyang pelikula na pinamagatang “Elise” sa susunod na buwan. May ginagawa ring teleserye si Enchong na dapat abangan ng kanyang fans. Ibinahagi ng aktor na sobrang saya niya sa mga proyektong inihanda ng ABS-CBN para sa kanya.

Ang Kapamilya aktor na si JM de Guzman naman ay abala sa pinaghahandaan niyang pelikula at teleserye sa ABS-CBN. Umaapaw ang saya ni JM sa pananatili niya bilang isang Kapamilya, “I’m trying to be calm as possible, but I really want to celebrate because this is a very special day for me.

Masaya rin si momshie Jolina Magdangal sa dalawa pang taon niya sa Dos. Patuloy siyang magsisilbing host sa morning talk show na “Magandang Buhay” kasama sina Melai Cantiveros at Karla Estrada.

Isa rin sa nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN si Yassi Pressman. Patuloy na masusubaybayan si Yassi sa isa sa mga longest-running television serie na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Ang aktres na si Bela Padilla ang kumumpleto sa anim na artistang muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN. Abala si Bela sa pagte-taping ng bagong mystery-thriller series ng ABS-CBN na “Mea Culpa.” Ibinahagi rin niyang dream come true ang makatrabaho ang aktres na si Jodi Sta. Maria.