Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

A Simple Sharing of Plantito and Plantito Home Garden

Ang salitang “plantito” [lalaki] at “plantita” [babae] ay nagpapahiwatig sa isang taong nasisiyahan sa pangangalaga ng mga halaman.  Inilarawan nila ang isang “plantito / plantita” bilang isang pagpapakita ng interes at hilig sa halaman at paghahardin sa paligid ng bahay.

Ang pamumuhay at pag-aalaga ng mga halaman sa bahay ay maaaring pinaka therapeutic na bagay at karamihan ay talagang pinagkakagastusan. Kung talagang nahihilig sa Plantito o Plantita, dapat maghanap ng wastong kagamitan, sa pag hahalaman sa tamang paraan.

Hindi kailangan ang mamahaling tool sa paghahalaman upang maging isang dalubhasang Plantito o Plantita, kailangan lamang ng isang simpleng kit na magagamit kapag nangangalaga ng mga halaman sa bahay.

Halimbawa ay:

  1. Guwantes pang hardin
  2. Gunting
  3. Rake pang Kamay
  4. Pest control

Bakit natin kailangan ang halaman sa ating buhay?

Ang halaman nakapagbibigay ng lakas ng kondisyon ng pag-iisip at katawan, nakababawas stress, nakakatanggal pagod, nakakaalis ng pollutant sa hangin, nakaka-boost ng mood at nakakapag palit ng mood sa paligid at nakaka-refresh ng body and soul.