Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

NewsShowbizz

Willie Revillame, Tatakbong Senador sa 2022?

Hindi inilihim ni Willie sa kanyang masugid na tagahanga at manonood ng Wowowin na siya ay kinakausap ni Pangulong Rodrigo Duterte para tumakbo sa eleksiyon sa 2022.
Alam ni Pangulong Digong kung ano ang kapasidad ni Willie kaya naman ito ay hinihimok niya para isakatuparan ang public service na matagal na rin namang ginagawa ni Willie.
Ang pagtulong sa kapwa at kababayan natin ang isa sa prayoridad ni Kuya Will.  Ipinakikita man niya ang kanyang yaman, hindiito ibig sabihin ay para inggitin ang mga tao.  Ang kanyang yaman ay ginagamit niya upang makatulong sa mga nangangailangan at kung papalarin ay mas mapapalawak niya pa ang kanyang pagtulong hindi lamang sa paraang alam niya kundi makapag-ambag siya ng kanyang opinyon at pagpapabuti ng takbo ng bansa.
So far, naghihintay pa rin ang mga tagahanga niya kung ano ang kanyang magiging desisyonpero sa ngayon pa lamang ay marami nang reaksiyon , may maganda at may hindi rin maganda, mula sa iba’t ibang panig.