Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Camote Delight

Panghimagas sa Pilipinas na sadyang ginagigiliwan hindi lang ng mga matatanda kundi pati mga bata.

Sangkap:

  • 1 kg sweet potato
  • 400g latang condensed milk
  • 250 ml fresh cream
  • 4 kutsarang butter
  • 1 kutsaritang vanilla extract
  • 1/2 kutsaritang asin
  • kinudkod na cheddar cheese, panlagay sa ibabaw

Paraan:

  1. Iluto o i-steam ang kamote hanggang lumambot. Hanguin mula sa steamer, itabi at palamigin.
  2. Tanggalin ang balat at ilagay sa malaking bowl at durugin hanggang maging smooth.
  3. Sa isang pan, ilagay ang butter at tunawin ito sa mahinang apoy.
  4. Ilagay ang condensed milk, cream, vanilla at asin at haluin para mag-mix ang lahat ng sangkap.
  5. Ihalo ang mashed kamote at ituloy ang paghahalo. Hinaan ang apoy hanggang lumapot ito. Haluin sa loob ng 25 hanggang 30 minuto.
  6. Ilagay ang mixture sa isang tray at i-smooth ang ibabaw at hayaang lumamig. Ilagay sa ibabaw ang kinudkod na cheese at saka ihain.

Para sa iba pang recipes, bisitahin ang www.angsarap.net