Bocheng Monggo
Sangkap:
Boche
-
3 tasang glutinous rice flour
-
250 ml tubig
-
3/4 tasang brown sugar
-
oil, pang deep frying
Mung Bean Filling
-
1 tasang green mung bean
-
1/4 tasang gatas na malapot ( condensed milk)
-
3/4 tasang asukal
-
1/4 tasang harina ( flour)
Paraan:
-
Ihanda ang filling. Ibabad ang munggo tubig sa buong magdamag at i-drain ng mabuti sa susunod na araw.
-
Ilagay ang munggo sa kaserola, lagyan ng tubig hanggang ma-cover ng tubig ang munggo. Pakuluin at hinaan ang apoy at hayaang kumulo hanggang lumambot ang munggo. Dagdagan ng tubig kung kinakailangan.
-
Ilagay ang asukal, condensed milk at harina, gamit ang stick bender, i-blend ang mixture hanggang maghalo ang lahat ng lahat pero huwag masyado i-blend para may konting texture pa rin, ituloy ang pagluluto ng munggo hanggang lumapot ito. Alisin mula sa lutuan at hayaang lumamig.
-
Ihanda ang boche, sa isang malaking mixing bowl, pagsamahin ang glutinous rice flour at tubig, haluin hanggang mag-form a dough. Magdagdag ng konting tubig kung sobrang dry o magdagdag ng konting glutinous rice flour kung sobrang basa ng dough. Haluing mabuti at imasa ng dahan-dahan. Hatiin ang dough sa maliliit na dough balls ( mga 8 hanggang 10 piraso ng dough balls).
-
Gamit ang kamay o pwede ring gumamit ng rolling pin para-i-flatten ang dough balls. Pag flat na ang dough balls at ilagay sa palad at sa gitna ng palad ay ilagay ang munggo filling at i-fold ang dough at ibilog ulit ang dough. Itabi.
-
Gawin ang parehong proseso sa mga susunod na dough balls.
-
Ihanda ang kawali na may mantika ( pang- deep fry). Painitin ang mantika sa 180C at saka ilagay ang asukal na pula, ilagay ang boche, unti unti ( one piece at a time) at i-deep fry ito hanggang matunaw ang asukal at mabalot ng asukal ang boche.
-
Hanguin mula sa deepfryer gamit ag slotted spoon, ilagay sa serving plate na may paper towel, hayaang lumamig at saka ihain.
Photo and recipe credits: www.angsarap.net