Crispy Dinuguan
Sangkap:
Crispy Pork
-
1 kg pork belly, (1 malaking piraso, huwag hiwain)
-
1 buong bawang, pitpitin
-
1 kutsarang pamintang buo
-
4 pirasong bay leaves
-
¼ tasang soy sauce
-
1 latang lemonade soda (7-Up o Sprite)
-
sea salt
-
tubig
-
Mantika pang deep frying
Dinuguan Sauce
-
Crispy Pork
-
1½ tasang dugo ng baboy ( pigs’ blood)
-
3 tasang sabaw ng baboy ( pork stock)
-
6 siling haba
-
1 buong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
-
½ thumb sized na luya, hiwaing maliliit
-
1 malaking sibuyas, tadtarin
-
1 maliit na pakete ng sinigang mix
-
3 kutsarang sukang puti
-
asin
-
paminta
Others
-
Chicharon, tadtarin
Paraan:
Crispy Pork
-
HIlamusan ng sea salt ang kabuuan ng pork belly at ibalot sa cling wrap at ilagay sa refrigerator sa loob ng 1 araw.
-
Pagkatapos ng isang araw ay alisin sa ref ang baboy, hugasan sa running water para maalis ang asin sa baboy.
-
Ilagay ang baboy sa pressure cooker kasama ang soy sauce, bawang, pamintang buo, laurel leaves at lemonade soda. Lagyan ng tamang dami ng tubig para malubog ang buong baboy.
-
I-pressure cook sa loob ng 20 hanggang 30 minuto (Depende sa kapal ng pork belly), ang timing at dapat mag-umpisang sumipol ang nasa tuktok ng pressure cooker.
-
Kapag malambot na ang baboy at hanguin ito mula sa pressure cooker at i-pat dry ng paper towel.
-
Kapag tuyo na ang gilid ng baboy ay ilagay ito sa isang container at takpan at ilagay sa ref sa loob 12 oras o hanggang lumamig ito.
-
Ihanda ang kawali at lagyan ng mantika at painitin. Kapag mainit na ay ilagay ang baboy, sa ilalim ang balat, Ingat sa talsik ng mainit na mantika.
-
I-deep fry ang baboy hanggang mag-golden brown ito.
-
Kapag luto na ay hiwaing pakuwadrado.
Dinuguan Sauce
-
Initin ang mantika sa kaserola at ilagay ang bawang sibuyas at luya at igisa.
-
Ilagay ang sili, sinigang mix, suka at pork stock, pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.
-
Ilagay ang dugo ng baboy at dahan-dahang pakuluin sa loob ng 20 minuto.
-
Lasahan ng asin at paminta.
-
Ilagay ang crispy pork sa dinuguan sauce, haluing mabuti.
-
Ilagay ang crispy dinuguan sa serving bowl at lagyan ng chicharon sa ibabaw.
Recipe and photo credits: www.angsarap.net