Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

99% ng Meralco consumers, may kuryente na

Dala ng hagupit ng bagyong Gener ang pagkaputol ng power supply sa maraming consumers ng Meralco. Ngayon ay nanumbalik na ang daloy ng kuryente sa mga apektadong lugar gaya ng Balintawak sa Quezon City, Plaridel sa Bulacan, ilang bahagi ng Valenzuela, Alabang sa Muntinlupa, Manila, Pasig, Cavite at Laguna. Halos 39,000 na consumers na lamang o katumbas ng 1% ang nananatiling walang kuryente dahil sa malaking sira na natamo ng mga poste ng kuryente dulot ng mga naputol na sanga at tarpaulins na sumabit sa mga linya. Inaasahan ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na ngayong araw ay matatapos nang ayusin ang mga sirang ito at babalik na sa normal ang daloy ng kuryente. (Philippine Daily Inquirer)